Mapa-bahay man, apartment, condominium, o saan ka man nakatira, ang lugar na naging tahanan at kasama sa mahabng panahon ay nakakalungkot iwanan.Ito nga ang nararamdaman ng aktres na si Rhian Ramos habang ibinabahagi ang kanyang mga karanasan sa kanyang maganda at malaking condominium unit na inupahan.

Ayon sa aktres, kahit na pribado syang tao, pinagbigyan nito ang kahilingan ng mga fans at subscribers na ipakita umano ang kanyang tirahan.
“Today, I’m making an exception because this is the first place that I’ve lived away from my family. And now I’m getting very sentimental about it coz basically the COVID quarantine was so long. Naabutan na kmi ng finish contract and in about three weeks, we’ll gonna be moving”, panimulang banggit ng aktres.

Dahil umano sa quarantine, mas lalong na-appreciate ng aktres ang kanyang tirahan kung saan iyon narin ang kanyang work-out place, workplace, at yun daw ay “everything” para sa kanya. Mahigit isang taon at kalahati nadin umanong nakatira ang aktres sa condo unit pagkauwi nito galing New York.
Isang minimalist modern style ang kanyang unit kung saan ito ay may malapad na espasyo, at may mga magagarang kagamitan. Nabubuo ng kulay puti, itim at grey ang loob ng kanyang unit. Sa araw din mismo ng kanyang vlog ay ipinapalinis ng aktres ang kanyang unit.

Makikita sa vlog ni Rhian na sanay din ito sa paglilinis at pag aasikaso ng kanyang tirahan. Sya din mismo ang nagpalit ng kanyang mga beddings. Nais din nya na palaging malinis ang bahay at maayos.
Sa isang bahagi ng kanyang unit at kasama na ang living at dining area kung saang mayroong napakalaking couch kung saan paboritong tumambay at magpahinga ng aktres. May Malaki din itong glass window kung saan kitang kita ang magandang view sa ibabang bahagi ng kanyang condo.

Mayroon naman simple at hindi gaanong kalakihan na kusina sa loob ng kanyang unit subalit sabi nito ay naroon na ang lahat ng mga kinakailangan. Mayroon din itong maraming drawers na mapaglalagyan ng mga gamit.
Mapapansin ang pagiging madiskarte ng aktres dahil may mga bahagi ng kanyang tirahan na siya mismo ang nagkukumpuni o nag-assemble dahil wala umano itong maid.

Ma-mimiss umano Rhian ang kanyang tirahan na naging malaking tulong sa kanya sa mahigit isang taon.