Connect with us

Entertainment

Erich Gonzales, ibinahagi ang kanyang mga napundar na investments: “You can never go wrong” sa pagbibili ng mga lote

Marami sa mga iniidolo natin sa showbiz ay hindi lamang sa harap ng kamera nakatutok ang kanilang buhay. Marami din sa kanila ang nagbibigay halaga sa pagnenegosyo, at pagbibili ng mga investments dahil alam nilang hindi habang buhay ay mayroon silang proyekto at trabaho bilang artista.

Sa isang latest vlog ng aktres na si Erika Chryselle Gonzales Gancayco o mas kilala bilang Erich Gonzales, ibinahagi nito ang kanyang investment ngayon.

credit to erichgg | ig

Sa kanyang vlog na “Lot Tripping Day” ipinakita ng aktres ang ilan sa mga lupang binili nito upang maging investment nya. Hindi naman nabanggit ng aktres kung saan eksakto ang lokasyon ng mga lupa ngunit may kalayuan na ito sa siyudad dahil matagal ang kanilang ibinyahe.

credit to erichgg | ig

“Maybe you’re wondering bakit naghahanap tayo ng lote, It’s because pwedeng vacation house, rest house, but pwedeng doon din tayo tumira. One thing is for sure, investment talaga sya. Kung baga lot banking pa.” pahayag ng aktres.

Ayon sa  aktres, isa sa pinakamgandang paglaanan ng pera ang pag-iinvest sa pagbili ng mga lote.

credit to erichgg | ig

“You can never go wrong sa pag-invest ng inyong hard-earned money sa mga lote or lupa. Kasi nag-aappreciate ‘yan talaga siya. Hindi siya nag-dedepreciate. So ‘yun. Best talaga na investment mga lupa or lote,” dagdag pa nito.

Noong nakaraang taon sa isang vlog ng aktres, ipinasilip naman nito ang kanyang bahay sa kanyang house tour vlog at iyon umano ang kanyang unang lot investment na nabili nya noong 22 taong gulang pa lamang sya.

credit to erichgg | ig

“Itong house na ‘to, product ito ng hard work natin and then ‘yung mga brands, mga products na nagtiwala sa atin,” ayon kay Erich.

“Nabili ko ‘yung lote when I was 22 years old. And then nag-ipon tayo. And then nu’ng 2014, nag-start na ‘yung construction ng bahay natin. And then same year also, nakalipat na tayo dito. And long story short, six years old na ang bahay natin”, dagdag pa ng aktres.

credit to erichgg | ig

Samantala, mas mainam nga ang mag-invest sa pagbili ng mga properties lalo na ng lupa dahil sa paglipas ng panahon ay lalong tumataas ang halaga nito.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending