Isa si Jao Mapa o Jose Vicente D. Mapa III sa tunay na buhay sa pinakasikat na artista noong 90’s. Ipinanganak siya noong February 11, 1976. Nag-umpisa si Jao bilang modelo at isa sa mga tumatak ay ang TV Commercial niya para sa softdrinks commercial.

Naging daan ito para pasukin niya ang mundo ng showbiz nag-umpisa siya bilang co-host noon sa isang noontime variety show na Eat Bulaga! at sa ASAP ng ABS-CBN.
Naging sunod-sunod na ang naging proyekto niya noon sa mundo ng showbiz. Ayon pa sa report, nakagawa rin siya ng maraming pelikula katulad na lamang ng ’Maalaala Mo Kaya: The Movie’ noong 1994, ‘Pare Ko’ noong 1995, ‘Dahil Tanging Ikaw’ noong 1997, at marami pang iba.

Isinama rin siya noong 90’s sa grupo ng “Gwapings” na kinabibilangan nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Eric Fructuoso. Ayon sa report, si Jao ang idinagdag at sinasabing ikaapat na miyembro ng grupong “Gwapings”.
Ngunit, sa kalagitnaan ng kanyang namamayagpag na karera ay bigla na lang naglaho ang Aktor. Ayon sa ilang balita, ang dahilan umano ng pag-iwan ni Jao sa kanyang karera sa industriya ng showbiz ay dahil naging broken hearted siya sa naging hiwalayan nila ng kanyang non-showbiz ex-girlfriend. At ito nga ay kinumpirma ni Jao, ayon sa kanya, ang kanyang ex-girlfriend umano ay iniwan siya at sumama sa ibang lalaki.

At ngayon nga, marami ang nagtatanong kung saan na at ano ang pinagkakaabalahan sa buhay ng sikat at talentadong aktor ng kanyang henerasyon.
Ayon sa isang report, hindi umano niya pinagsisisihan ang pag-iwan sa kanyang karera bilang artista sa industriya.
“Hindi ko naman hinahanap ‘yung ganun (sikat).I’ve been there, done that. I mean, what’s there to look for? I already had my time”, pahayag ni Jao.
Matapos ngang iwan ni Jao ang mundo ng showbiz, bumalik siya sa pag-aaral upang taposin ang kursong Fine Arts, Major in Advertising sa University of Santo Tomas. Naiulat rin na naglalaro raw si Jao ng football, bagama’t hindi ito tiyak kung para ba sa kanilang unibersidad o kaya naman ay talagang hilig niya lang ang paglalaro nito.
Ngunit, muli naman siyang bumalik sa industriya ng showbiz noong 2015 kung saan ay naging bahagi siya ng teleseryeng “Ang Probinsyano” at gumanap ng isang kahanga-hangang karakter. At ngayon nga, nasasabik si Jao sa kanyang pagbabalik sa industriya.

“Well yeah hopefully, tuloy-tuloy na infact kasama ako sa pilot ng Ang Probinsyano and I’m under new management”.
Maliban sa kanyang pagiging abala sa trabaho bilang artista sa industriya ng showbiz, abala rin siya sa mga exhibits ng kanyang mga obra bilang isang pintor.
Pagdating naman sa kanyang pamilya, bumubuhos rin ang biyayang kanyang natamo dahil masaya na siyang kasama ang asawang si Cecille kung saan biniyayaan sila ng tatlong anak, sina Benjamin, Caleb, at Amber Marie.

Makikita naman sa kanyang social media account na matapos ang kanyang matagumpay na karera sa industriya, ay pinasok naman niya ang private corporate world.
Sa huling post ni Jao, makikita na tila nakapila siya upang kumuha ng examination para sa mataas na posisyon sa SMDC.
Source: Celebrity Story / YouTube