Connect with us

Entertainment

Ex-PBB housemate Slater Young at asawang Kryz Uy, ibinahagi ang tree house para kay baby Scott na gawa mismo ng kanyang lolo

Madalas na nagiging pinagmumulan ng tuwa, saya at pag-asa ang mga batang paslit sa isang pamilya. Mas lalo pang napapatibay ang samahan hindi lamang ng mag-asawa kundi pati na rin ng isang pamilya kasama na ang mga lola at lolo.

Kamakailan lang ay proud at masaya na ibinahagi ng ex-PBB housemate na si Slater Young at ng kanyang asawa na si Kryz Uy, na isang writer at fashion blogger ang isang napaka-cute at modernong tree house.

Ang treehouse umano ay ginawa ng ama ni Slater para kay baby Scott, ang unang anak ng aktor. Marahil sa unang apo si Scott at excited at masayang-masaya ang lolo nito sa kanya at kaya naman ay binibigay ang best para sa kanya.

Ito naman ang caption ni Kryz Uy sa kanyang IG post, “#scottpod taking shape! 😍 built with love by scott’s grandpa for all his grandkids. ❤️ such a beauty, complete with electricity, wind protection by the trees and Christmas decor! kiddie slide and wall climbers to follow!”.

Masaya talaga ang mag-asawa pati na rin si baby Scott sa kanyang bagong tree house na gawa ng kanyang lolo. Samantala, nagbahagi din si Slater ng larawan sa kanyang IG kung saan hawak-hawak nito si baby Scott habang ito ay nakahawak sa lubid sa labas ng tree house.

“Guess who’s excited for his tree house! (Me 🙋🏻‍♂️😂)”, caption ni Slater sa kanyang IG post.

Mapapansin talaga sa kanilang mga larawan ang saya at tuwa dahil sa bagong munting lugar na mapaglilibangan ni baby Scott. Marami naming netizens ang nagbigay ng kanilang komento.

“Love the Scottpod. So sweet the grandpa” saad ng isang netizen. “Amaziiing! Scottie is so blessed to have parents like you, and also his grandparents”, dagdag pa ng isang netizen na talaga naman humanga sa galing at pagmamahal na ipinakita ng lolo ni baby Scott.

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending