Isa sa mga naging mapalad na housemate ng Pinoy Big Brother si William “Yamyam” Gucong na naging grand winner ng PBB Otso noong nakaraang season ng naturang reality TV show.
Nagmula si Yamyam sa isang mahirap na pamilya at sila ay nakatira sa Inabanga, Bohol. Pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay noon at ang lupa na kanilang sinasaka ay hindi nila pag-mamay-ari. Mahirap ang kanilang buhay na parang isang kahig-isang tuka lamang. Kapag hindi nagtrabaho sa bukid ay walang makakain.

photo credit to gucongyamyam | ig
Samantala, dahil sa kanyang pagkapanalo sa PBB, nagkaroon siya ng mga proyekto na talagang naging malaking tulong para sila ay makaahon sa kahirapan. Natulungan ni Yamyam ang kanyang pamilya at unti-unti silang nakapagpundar ng kanilang mga ari-arian.

photo credit to gucongyamyam | ig
“Isa noon ay nakabili ako ng lupa. Amin na ‘yung sinasakahan namin dati. Tapos bumili rin ako ng sasakyan.” pahayag ng aktor. Isa itong malaking biyaya kung ituturing ng kanyang pamilya dahil sila na ang nagmamay-ari ng lupang kanilang sinasaka at hindi na nila kailangan pang magbayad o magbigay ng parte sa kanilang inaani.
Nagtayo din ito ng munting negosyo na isang bakeshop na pinangalanan niyang “Yamito’s Bakeshop. Tinapay ng Big Winner” na para din umano sa kanyang pamilya.
“May bakeshop. May konting negosyo ako, hindi rin ‘yon akin, para sa kanila rin ‘yon, family business,” dagdag pa nito.

photo credit to gucongyamyam | ig
Talagang mahal na mahal nito ang kanyang pamilya dahil nag-aalala talaga ito sa kanila dahil siya ay nakatira sa Maynila at naiwan sa Bohol naman ang kanyang pamilya dahil sa kailangan din nilang alagaan ang bukirin at mga pananim doon.
“I-relate ko lang sa nangyari sa akin. Sobra akong na-stress na mapalayo sa kanila, so isipin mo na lang kung gaano kahirap ang buhay mo dati at ano ang inspirasyon mo sa buhay para maibigay at ma-provide mo sa mga mahal sa buhay. Manalangin ka lang at ibibigay ‘yan ng Diyos.” wika pa ni Yamyam sa isang panayam.

photo credit to gucongyamyam | ig
Ayon sa kanya, walang imposible sa buhay. Kahit ano pang hirap ang danasin ay makakaahon din sa tulong ng Panginoon, at sa pagsusumikap na matulungan ang pamilya.