Ilan sa mga aktres ngaun ay may mga kasinatahan o asawa na foreigner. Madalas ay hindi din hayag sa publiko ang mga larawan ng kanilang mga kabiyak, ngunit ang aktres na si Roxanne Barcelo ay ipinakita na ang mukha ng kanyang non-showbiz na asawa sa publiko.

Matatandaan na hindi ipinapakita ng aktres ang hitsura ng kanyang asawa sa publiko. Ikinagulat ng lahat ang pag-anunsyo ng aktres na siya ay kasal na nito lamang nakaraang taon.
Sila ay nagkaroon ng isang supling na si Cinco. Makikita ang isang larawan na ibinabagi ng aktres at nilagyan ng caption na “The Panda Family”. Wika ng aktres “ when I prayed for happiness, the heavens blessed me with true joy and love. You are worth the wait.”

Dagdag pa niya “It is my honor and priviledge to be your wife, Jigs. I am forever grateful for the day you asked me to start a family with you. Thank you for your unconditional love. I love you and adore you and baby Cinco with all I am.”
Mababatid na masayang-masaya ang aktres sa nangyayari sa kanya lalo na ang pagdating ng kanyang asawa at ang kanilang anak. Sa post na ito ay inulan din ng komento ng kanyang mga kaibigan kagaya nila Marian Rivera at mga co-actress niyang sila Yasmien Kurdi, Kakai Bautista, Bea Binene, Dianne Medina, Arci Munoz, Chynna Ortalez at marami pang iba.

Matatandaang si Roxanne ay naging isa sa mga kalahok sa Metropop Search ng GMA-7 at “CLICK” na isang top oriented show ng GMA7. Siya ay ipinanganak sa Amerika ngunit mas piniling manirahan sa Pilipinas kahit siya ay 13 taong gulang pa lamang.
Isa sa mga naging malapit niyang kaibigan sa showbiz ay si Marian Rivera lalo ng magkatrabaho sila sa fantaseryeng Darna. Hanggang ngaun ay best of friends pa rin ang turingan ng dalawa.

Matatandaang naging karelasyon din ni Roxanne noon ang aktor na si Will Devaughn ngunit hindi rin sila nagkatuluyan sa kabila ng apat na taong relasyon nila. Taong 2017 noong napabalita ang kanilang paghihiwalay. Ngunit parehong ng masaya ang dalawa sa buhay nila ngayon.
Nito lamang November 21, 2021ay ipinagdiwang na ni Roxanne at kanyang mister ang kanilang 2nd wedding Anniversary.
Image Source: Roxanne Barcelo Instagram