Connect with us

Celebrity

Gabbi Garcia Nagpatayo ng Music School kasama ang Kanyang Kapatid

Hindi naman kaila sa karamihan na mahilig sa music ang mag-sister na Gabbi Garcia at Alex. Kitang kita naman ang talento nito Gabbi pagdating sa musika bukod sa kanyang pagiging artista ay talaga naman may galing ito sa pagkanta samahan mo pa ng patugtog sa kanyang gitara.

Kaya naman sa hilig nilang magkapatid sa musika ay nagdesisyon itong si Gabbi at kapatid na magpatayo ng Music School sa kanilang lugar sa Paranaque at pinangalanan nila itong Tempo Primo Academy Of Music na pormal nang binuksan last March 7. Present sa event ang parents nilang si Mr and Mrs Tes and Vince pati na ang nobyo ni Gabbi na isa ring singer na si Khalil Ramos.

 

Ayon sa impormasyong naka post sa Instagram ni Gabbi, available sa paaralan ang voice, piano, guitar at drum lessons. Ang kapatid ni Gabbi na si Alex ay nakapagtapos ng Bachelor’s Degree in Music, majoring in Music Education with Percussion Principal sa St. Scholastica’s College-Manila.

Ilan lamang talaga sila sa mga artistang marunong humawak ng kanilang pinagkakakitaan, marahil alam nila na ang buhay showbiz ay hindi pangmatagalan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending