Connect with us

Entertainment

Gary Estrada Pinasilip ang Simpleng Buhay sa Kanyang Napakalawak na Farm at Mansyon sa Quezon

Matagal-tagal din bago nakauwi sa kanilang farm ang pamilya ni Gary Estrada sa San Antonio, Quezon. Ito ay matapos ipinatupad ang Enhance Community Quarantine (ECQ) noong mga nakaraang buwan nang dahil sa COVID-19.

Samantala, ayon sa isang report dahil sa ECQ noon, sa kanilang bahay muna sila sa Cainta nanirahan for almost 3 months at ngayong General Community Quarantine (GCQ) na ay dito na nagkaroon ng chance si Gary Estrada mabisita at magpahinga muli kasama ang kanyang pamilya sa sa kanilang napaka-laking farm.

At masipag na naglilinis ang dalawang anak na babae ni Gary Estrada pagdating sa kanilang bahay sa San Antonio, Quezon.

Speaking of his farm. May mga isyung lumabas noong 2008 ang lumabas kaugnay sa farm niya. ‘di umano, may kaugnayan sa isyu ang ina ni Gary na si Agnes Moran. Lumabas kasi ang balitang naisangla raw ni Gng. Moran ang property ni Gary, na matagal ding sinikap maipundar ng aktor.

Pero halatang relieved na si Gary sa isyung ito dahil okey na raw ang lahat at naibalik na rin kanya ang titulo ng lupa. Aminado si Gary na para muling mabawi ito ay ilang milyon ang naubos niya dahil tumagal ang kaso.

Gayunpaman, isang bagay ito na ayaw nang idetalye ng aktor. Aniya, “Okey na yun, tapos na yun. Ang mahalaga, nasa akin na ulit yung farm. Although hindi naman nawala dahil kahit nung time na nawala pansamantala sa akin ang titulo, ako pa rin yung nandoon sa farm. Hindi naman nangyari yung hindi namin ito napupuntahan.

“Siyempre, hassle lang, mahirap lang yung proseso. Pero okey na, masaya ako na naibalik na. Kung anuman yung mga nangyari, wala na yun. Ngayon nga lang, mas careful na ako, especially sa titles ng mga property.”

Dahil sa pangyayaring ito, napatunayan ang pagiging mabuting anak ni Gary sa kanyang ina. No wonder, ang description ng asawang si Bernadette kay Gary ay napakabait na asawa, kaya going strong pa rin ang pagsasama nila.

Anyway, ating balikan ang masayang pamumuhay ni Gary Estrada sa kanilang farm kasama ang kanyang pamilya sa San Antonio, Quezon.

Makikita rin na lumaking maayos, mababait at masisipag ang kanyang dalawang anak na babae. Pinapatunayan lang ng mga ito na kahit may kaya sa buhay ay sila mismo ang gumagawa ng mga gawaing bahay.

Ang farm na ito ay naipundar ni Gary mula sa kanyang mga kinita sa showbiz industry. Isa siya sa mga pinaka-sikat na aktor noong kanyang kapanahonan noong 80’s.

Panoorin ang video:

Source: Daily Entertainment News PH / YouTube

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending