Kitang-kita ang ngiti at kasiyahan ng magkasintahang sina Julia Barretto at Gerald Andreson sa isang post ng kapatid ni Julia na si Dani Barretto.

Makikitang tanggap ng pamilya Barretto maging ang ina ni Julia na si Marjorie at mga kapatid nito ang kasintahan na si Gerald Anderson nang makitang kasama ito sa bakasyon ng pamilya sa isang beach resort.

Matatandaang hindi agad ibinalita sa publiko ang relasyon ng dalawa dahil sa isyu ng nakaraang relasyon ni Gerald kay Bea Alonzo.
Ngunit sa isang interview ni Boy Abunda nitong Marso ay kinumpirma na rin ni Gerald Anderson ang kanyang relasyon sa Kapamilya actress na si Julia Barretto. Nabanggit pa ni Gerald na masaya ang takbo ng kanilang relasyon.

Naitanong naman ni Tito Boy kung ano nga ba ang kahulugan sa kanya ng salitang ‘ghosting’.
‘Was it a problem of not being able to say goodbye or did you have a goodbye? Did you have a formal break?’
“I can remember that moment like kahapon lang siya nangyari but I can’t, I don’t have the guts to put someone in a bad light because gusto ko linisin yung image ko or yung side ko.”
“Ganito lang po yun, ang dating sakin is parang nasa gitna kami ng dinner and nagdecide ako magwalk-out and di magpapakita kahit kelan. Is it walking away from a very unhealthy, t0xic, not saying na siya yung t0xic ako yung t0xic but being together we were very t0xic.”

“Hindi nirerespeto yung explanation na ibinibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months of being on the rocks at major away. I am just gonna leave it like that. If yun yung ghosting, I am guilty of one of those two.”
“Wala po akong ghinost.” Sagot pa ni Gerald sa tanong ni Tito Boy Abunda.
Salungat naman ang sagot ng aktor sa naging sagot ng ex girlfriend niyang si Bea Alonzo sa isa niyang naging interview sa Tonight with Boy Abunda.

“Honestly to my understanding we did not break up, he just started not talking to me.” sagot naman ni Bea Alonzo sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.
Sa kasalukuyan ay makikita namang naka move on na ang dalawa dahil masaya na ang mga ito sa kanilang bagong karelasyon. Open na sa publiko ang kanilang bagong mga partner at makikita naman ang kanilang ligaya sa mga post na shineshare nila sa publiko.
Image Sources: D. Barretto, Julia B. G. Anderson, B. Alonzo, D. Roque