Connect with us

Entertainment

Gerald Anderson Sinurpresa ang Ina ng Isang Magarang Sasakyan, Hindi Maipaliwanag ang Labis na Emosyon nang Makita ang Regalo sa Kanya

Hindi matutumbasan ang paghihirap at sakripisyo ng isang ina upang mapalaki at maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak.

Kahit lumipas man ang panahon at tumanda ang mga anak, kailangan na naipapadama parin sa mga magulang na sila ay espesyal at isang inspirasyon.

“Yung nanay ko ay isa sa pinaka-motivation ko sa buhay ko para mas pagbutihan ‘yung trabaho so ‘yung kaunting request niya binigay natin. Sana makapagbigay ng kaunting saya at kaunting sorporesa para sa kanya,” sabi ni Gerald Anderson sa kanyang latest vlog na sinorpresa ang kanyang nanay sa probinsya.

Binilhan ng aktor ng sasakyan ang kanyang ina. Subalit bilang sorpresa ay hindi ito personal na ibinigay ng aktor. Makikita sa video ang isang lalaki na may bitbit na bouquet at tinawag ang ina ng aktor sa loob ng gate. Sa simula ay ayaw itong tanggapin ng ina ni Gerald dahil hindi nito alam kung sino umano ang nagpapabigay. Subalit biglang napasigaw ito ng makita ang isang bagong sasakyan sa labas ng gate.

“Oh really? That’s from my son! That’s from Gerald!” emosyonal na tanong nito sa mga tao sa labas ng gate. Nag rerequest umano si Evangeline ng sasakyan sa anak upang may magamit sa mga lakad nito araw-araw.

Sa buong video ay makikita na labis-labis ang saya ni Evangeline dahil sa pagtugon ng anak sa kanyang kahilingan. Hindi nito napigilan ang mapaiyak sa sobrang saya. “I’m just asking you a multicab. I don’t need a fancy car yet but thank you”, mensahe pa nito sa kanyang anak.

“Thank you very much. I really appreciate it. It’s not my birthday. I’m very surprised. I know you don’t have money. I know you don’t have big income yet because ABS-CBN is closed but I really appreciate it. Salamat”, dagdag pa ni Evangeline.

Nainspire naman ni Gerald ang mga netizens sa kanyang ginawa sa ina. “That only shows how nicely he was raised by his Mom. BRAVO Gerald!” komento ng isang taga-hanga nito.

“Whatever you did or what they say about you.. If you’re a good son, you’re a good son. It’s important that we make our parents happy,” sabi naman ng isang netizen.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending