Connect with us

Celebrity

Gretchen: Nagpaliwanag sa Litrato Kasama si Atong Ang “Nothing wrong with these photos”

Mas lalong lumalim ang bangayan ng Barretto sisters dahil sa kumakalat na viral photos na inilabas ng kanya-kanyang panig, Kamakailan lamang inakusahan ni Marjorie si Gretchen na mang-aagaw at may relasyon sa negosyanteng si Atong Ang. Mariin naman itinanggi ni Atong ang mga alegasyon patungkol sa kaugnayan niya sa mga Barretto anya malapit lamang sila sa isa’t-isa at kasosyo ang mga ito sa ilang negosyo.

Maraming netizen ang nag-akala na matutuldukan na ito dahil sa kasagutan ni Mr. Atong Ang ngunit, ito lamang huli lumabas ang litrato na kasama ni Atong Ang si Gretchen sa isang flight kung saan magkasama ang dalawa at magkaholding hands habang natutulog ang mga ito. Sari-saring reaksyon ang naglabasan na lalong gumulo sa showbiz industry at nadamay pa ang ilang personalidad hindi naman kasama sa nasabing isyu.

Kaugnay ng litratong kumakalat sa internet maging sa ilang mga social media platforms, mariing itinanggi ni Gretchen ang akusasyon sa kanya.
“Unaware I crossed s**t over a bit much. … This photo was sent through direct message … It is clear I was asleep on a plane ride.” – pahayag ni Gretchen Barretto.

May mga ilang pang litrato ang lumabas kaugnay ng nauna, base na rin sa mga litratong ito magkasama na pumasok sa isang airport si Gretchen at Atong, may ilan pa dito na magkahawak kamay. Agad din naman sinagot ito ni Gretchen.

“Nothing wrong with these photos. Fully clothed, no naked photos like of Marjorie itchie-very,” sabi ni Gretchen.

Paliwanag naman ng negosyante patungkol sa holding hands;
“Minsan siguro magkakasama kami, kasama naman lahat.
“Siguro bihirang-bihira ‘yan kung naglalakad.
“Gentleman tayo, tatawid tayo, maglalakad tayo, alangan naman hindi mo hawakan ang isang tao, maski yung kasama niya.
“Ang anak ko nga, lagi kong kaakbay, e.”

Ilang showbiz personalities na rin ang nagpahatid ng payo patungkol sa isyung ito, lalo na ito ay usaping pampamilya. Kayo na ang humusga kung sino ba talaga ang nagsasabi ng katotohanan sa kanilang magkakapatid.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending