Dahil sa limitado na ngayon ang mga paglabas ng tao, marami nang mga transaksyon ang dinadaan na lamang online, kagaya na lamang ng pagbili ng mga pang-araw-araw na pangangailangan kagaya ng pagkain, tubig, at groceries. Marami na ngayong mga online shops ang nagbubukas kung saan cashless na ang pagbibili dahil maari ka nang magbayad sa pamamagitan ng GCash, at online bank payment.

credit to dongdantes | ig
Isa na rin sa napakalaking tulong ngayon ang mga delivery riders. Sila ang maingat na nagdedeliver ng ating mga inoorder online. Hindi rin madali ang kanilang trabaho at maituturing din silang mga frontliners. Sa halip na tayo ay lumbas at bumili, sila na ang kumukuha sa seller at dinideliver sa buyer. Sila ang sumusuong sa peligro lalo na at hindi nakikita ang virus na nagdudulot ng sakit ngayon.

credit to dongdantes | ig
Samantala, ang aktor na si Dingdong Dantes ay sumubok din maging rider sa isang araw upang malaman nya kung paano ang buhay at trabaho ng isang delivery rider.
Sa IG post ng aktor ibinahagi nito ang karanasan,

credit to dongdantes | ig
“I finished 6 deliveries this Valentine’s Day”. But on an average, delivery riders accomplish around 8-10 transactions on good days like this one.
I started at 9:30am and ended before 3pm, and as i sit here at home waiting for early dinner, I realize how difficult this job is. There are so many factors to consider: heat, dehydration, heavy traffic, wrong addresses – which can cause panic and delays, customer’s temperament, plus the danger of getting into accidents especially if you have not been properly trained,” pahayag ni Dingdong.

credit to dongdantes | ig
Saludo ito sa mga delivery riders dahil personal nya mismo naranasan ang hirap at panganib na dala ng trabaho.
“And yet, our riders out there try to wear a smile at all times and make everything look bearable. Maybe it’s because of their clear “why” and strong motivation. Ginagawa nila ito para sa mga mahal nila sa buhay. Kaya hanga talaga ako sa lahat (across the board) ng delivery riders na araw araw ay tapat at magalang na naglilingkod at tumutulong sa pag-arangkada ng ekonomiya ng bansa. And today, mas lalo pang tumindi ang paghanga at respeto ko sa inyong lahat. That’s why i will never get tired of my mission of professionalizing this industry, especially for those who want to be successful in this field.”, dagdag pa ng aktor sa kanyang caption.

credit to dongdantes | ig
Bilang pagtulong sa mga nawalan ng hanapbuhay ngayong pandemya, inilunsad pala umano ng aktor ang isang service app na “Dingdong PH” na naisipan nila ng kanyang asawang si Marian Rivera Dantes.