Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista Nagsusuot ng Damit na Binili Niya Ukay-ukay, Netizen Napahanga Dito

Nagtataka ka rin siguro kung nag uulit ba ng damit ang mga artista? O napapatanong ka din kung bumibili ba sila ng mga gamit sa ukay ukay? Maniniwala ka bang si Heart Evangelista mismo ay gumagamit din ng mga damit na bili sa ukay ukay?

Isa si Heart sa mga pinaka magandang mukha sa industriya ng showbiz, sikat na modelo, negosyante, at sikat na sikat. Subalit, kamangha-manghang rebelasyon ang kanyang pagbabahagi sa kanyang Instagram na sya mismo ay nagsusuot ng ukay ukay na damit.

credit to heart evangelista | ig

“Ukay-ukay shopping: Sorsogon edition. I completed this look for only PhP270.00! I vlogged about this whole experience so watch out for my YouTube upload. #MahalKongSorsogon”, caption ng aktres sa kanyang latest IG post na nagpapakita ng kanyang suot na damit na nabili lang sa ukay ukay.

credit to heart evangelista | ig

Isa din itong pamamaraan ng aktres na matulungang isulong ang pamumuhay ng mga kababayan ng kanyang asawang si Chiz Escudero na taga Sorsogon.

Maraming taga suporta at netizens ang nahanga sa aktres. Sa kabila ng kanyang kakayahang makabili ng mga branded at signature na mga gamit ay pinili nitong suportahan ang ukay ukay business ng mga taga probinsya.

credit to heart evangelista | ig

“Galing naman ni ma’am Heart. Lodi kapag kayo nagsuot kahit ukay nagmumukang expensive. So pretty! Grabe! Nagmukhang brand new designer dress yung ukay! Convinced na. Kahit basahan pa ang ipasuot sayo, magmumukhang mahal”, hangang-hangang wika ng isang netizen.

Mayroon din isang larawan na suot-suot ni Heart and isang damit at nabanggit nito na nabili nya lang daw sa halagang 20.00 pesos.

credit to heart evangelista | ig

Isa sa mga aktibong ginagawa ni Heart ngayon ang pagpapalago at pagtulong sa mga artisans ng Sorsogon. Kamakailan lang ay nagpost din ito ng mga bags at home decor na yari sa pili nuts kung saan sagana sa probinsya.

credit to heart evangelista | ig

Ipinapakita lamang ng aktres na hindi basehan ang pagkakaroon ng malaking halaga ng pera upang makatulong. Sa simpleng pagtangkilik sa mga lokal na produkto at negosyo, makaka-ambag ka na sa negosyo ng iyong kapwa.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending