Connect with us

Entertainment

Heaven Peralejo, Masayang Nakapagtapos Na Ng Pag-aaral

Mula ng tayo ay mga bata pa lamang at nag-uumpisang mag-aral sa kindergarten, tinutulungan na tayo ng ating mga magulang. Isa sa kanilang layunin ay upang ihanda tayo sa mga darating na panahon.

Nais ng ating mga magulang na tayo ay makapagtapos ng pag-aaral dahil ika nga nila, ito lamang ang pamanang kailanman ay hindi mananakaw ng kahit na sinuman. Kayamanang magiging daan tungo sa maunlad at matagumpay na kinabukasan. Kayamanang pwedeng magdala sayo sa rurok ng tagumpay.

Karamihan sa ating mga napapanood na mga artista ay nagtitiis na mag-aral habang nagtatrabaho. Bagay na nararapat lamang gawin sapagkat ang pag-aartista ay maaari pang mawala sa atin ngunit hindi ang ating edukasyon.

Ang aktres na si Heaven Peralejo ay buong kagalakang ibinahagi sa kanyang Instagram post na isang graduation photo. Siya ay 22 taong gulang at nakapagtapos sa kursong Business Management.


“I honestly never thought na magagawa ko. Although I have to admit, finishing school never really crossed my mind anymore since I’m already earning. (ANG HRAP!! Kaway kaway sa mga nkakarelate),” wika ng aktres.

Sa wikang ito ng aktres ay dumanas din siya ng pagdadalawang isip sa pagtatapos ng pag-aaral. Lagi niyang inaalala ang turo ng kaniyang ina na mas madami ang oportunindad kapag siya ay nakapagtapos ng pag-aaral.

“Ang pag-aartista pwedeng mawala anytime. Pero kung nakatapos ka pwede mong magamit ito to change career”, paguulit niyang paalala ng ina. “ Sampol palang yan sa mga sermon ni Mom dagdagan pa ng Barangay Family (eto talaga ang nakakatakot sa lahat!!! Parang lagi kang haharap sa thesis defense). That being said, best support system talaga ang family. I’m very thankgful for them, they keep me grounded. “

Nagbunga naman ang lahat ng paalala ng kaniyang ina. “Thank you for all your sacrifices and for imparting different morals and values in me. In times of self-doubt, lagi kang nandyan to remind me of who I am, knowing my capabilities more than I do. With that , I’m forever grateful and indebted to you.

The lessons and insights that this journey has imparted in me have made it much more memorable. Through it all, and what lies ahead – I am very grateful and blessed. THANK YOU LORD! Lahat ng ito (ay) Because of YOU!!!, wika niya.

Nagtapos si Heaven sa Southville International School affiliated with Foreign Universities (SISFU). Isa lamang ito sa patunay na kapag nakinig ka at sumunod sa mga magulang mo, magiging maayos ang buhay at kinabukasan mo. Walang inang nais na mapahamak ang kanilang mga anak.

Source: Heaven Peralejo Instagram

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending