Connect with us

Entertainment

Ibinahagi ni Kathryn Bernardo Kasama si Daniel Padilla ang Madaliang Bakasyon sa Batangas at sa Bench Pictorial Nito

Marami ang hangang-hanga sa aktres na si Kathryn Bernardo dahil sa kanyang galing sa pag arte pati narin sa kagandahan nito. Bata palang ito ay pinasok na ang industriya ng showbiz at hanggang ngayon ay namamayagpag parin ang karera.

Dahil nga nagkaroon ng shutdown ng estasyon ng ABS-CBN kamakailan lamang, isa ito sa mga nawalan ng trabaho sa nabanggit na TV network. Subalit, hindi naman ito tumgil sa pagtanggap ng mga trabaho kagaya ng pagiging product endorser at vlogger.

Maraming artista narin ang sumusubok sa vlogging. Sa ganitong paraan, nakikita at nasusubaybayan parin sila ng kanilang mga fans sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain o di naman kaya ay maibahagi ang kanilang mga madalas na libangan.

Sa latest vlog ni Kathryn, ipinakita nya ang kanyang trip papunta sa isang resort sa Batangas. Makikita sa video na dala-dala ng aktres ang kanyang mga aso. Mahilig talaga ito sa pag aalaga ng mga aso.  Dala din nito sa byahe ang kanyang asong si Tala.

Bago paman sila mkarating sa resort kasama ang boyfriend na si Daniel Padilla ay dumaan muna sila sa isang test upang suriin na sila ay negatibo sa coronavirus.

 

Pagdating sa resort, ibinahagi ng aktres ang napaka relaxing na ambience ng lugar, at ang kanyang mga health routines kagaya ng pag eexercise. Ayon umano sa aktres ay may challenge silang dalawa ni DJ na sa loon ng ilang araw ay huwag munang kumain ng anumang karne maliban sa isda.

Ibinahagi ng aktres na layunin nilang alamin ang magandang epekto ng masustansyang diet at lifestyle dahil kailangan umano ito ng mga tao lalong-lalo na sa panahon ngayon.

Nagkaroon din ng masayang photoshoot si Kathryn kasama ang asong si Tala para ipromote ang isang clothing line. Makikita na walang arte ang aktres at game na game naman sa kanyang trabaho at isang araw na bakasyon sa Batangas. Nagpapasalamt din ito sa kanyang mga kasama na tumulong sa kanya sa kanilang photoshoot.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending