Connect with us

Entertainment

Inah De Belen kilalanin ang magandang anak ng beteranong artista na si John Estrada at Janice De Belen

Hindi batid sa kaalaman ng lahat ang hiwalayang Janice de Belen at John Estrada. Ngunit sa kabila ng hiwalayang ito ay hindi nila kailanman kinaligtaan ang kanilang tungkulin bilang magulang sa kanilang mga anak. Patuloy ang pagsuporta sa mga nais ng anak at ang pagmamahal na kailangan ng mga ito. Palagi pa ring handa si Janice at John para sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

Ngayong malalaki na at dalaga na ang mga bata ay halos hindi pa rin makapaniwala ang aktor  na si John Estrada sa bilis ng panahon. Ang noo’y kinakarga niyang mga bata ay mga dalaga na ngayon. Mas lalo pa itong nalungkot ng malamang magpapakasal na ang anak nito sa kanyang nobyo. Ang anak na tinutukoy ni John Estrada ay si Inah de Belen na kasintahan ni Jake Vargas. Sila ay halos apat na taon ng magkasintahan at kapwa nasa legal na edad na rin naman para sa ganitong usapin.

Nito lamang nakaraan sa isang panayam kay Inah ay nabanggit nga niya na sila ay handa ng humarap sa panibagong yugto ng buhay nila. “To be honest, of age na kami ni Jake talaga for stuff like that. Napag-uusapan naming but ang dami pa kasi niyang gusting gawin”, ayon sa aktres.

Matatandaang noon ngang nakaraang taon ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-apat na anibersaryo. Batid ang sweetness ng dalawa ng ulanin ng mga komento ang kanilang pagbati sa isa’t isa sa kanilang Instagram account.

Bagama’t aminado ang dalaga na napag-uusapan na nila ng nobyong si Jake Vargas ang pagpapakasal ay wala pa rin namang dapat ipagalala ang kanilang mga magulang dahil mas priority pa rin naman ng dalawa ang kanilang career.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending