Connect with us

Entertainment

Iñigo Pascual ipinasilip ang kanyang sariling farm sa edad na 23-anyos

Bumuhos ang paghanga sa anak ng batikang heartthrob aktor na si Piolo Pascual. Ang singer aktor na si Inigo Pascual ay labis hinangaan dahil sa mura nitong edad may sarili na itong naipundar na farm kung saan sobrang lawak nito.

credit to inigo pascual ig

Hindi naman kaila na magaling na singer si Inigo at kabila kabila din ang proyekto nito, wala ding duda ang talento nito dahil namana nito sa kanyang mga magulang na isang magaling na aktor ang ama at modelong ina nito.

credit to inigo pascual ig

Ayon sa binata bata lamang siya ay pinangarap na niyang magkaroon ng sariling private farm kung saan iniaalay niya ito sa kanyang lolo. Bumili ng kabayo at baboy ang aktor para makumpleto ang kanyang farm. Pinangarap na din ng batang aktor ang pagtatayo ng rest house sa napakalawak na lupain.

credit to inigo pascual ig

Ang farm na ito ay matatagpuan sa lalawigan ng Rizal kung saan marami ding mga artista ang may investment sa nasabing lugar dala ng magandang klima at malapit sa kamaynilaan. Madali silang makakarating sa Maynila at mabilis din makakabalik sa lugar ng Rizal para sa mabilisang pahinga dulot ng puyat at pagod bilang buhay artista.

credit to inigo pascual ig

Kahit sino ay tiyak na hahanga sa batang aktor dahil sa murang edad nito nagawa nitong makamit ang kanyang pangarap lalo na sa gitna ng pandemya. Tunay na nga bumubuhos ang biyaya sa taong masipag at tiyaga sa buhay.

credit to inigo pascual ig

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending