Connect with us

Celebrity

Ipinakita Nina Dani Baretto At Xavi Panlilio Ang Larawan Ng Kanilang Ipinapagawang Mansion

Ang pagpaplanong bumuo ng pamilya ay hindi madali. Ang tahanan ang isa sa pinakamahalagang pangangailangan ng isang pamilya. Dito kayo magsasama-sama at bubuo ng masayang pamilya.

Photo via Instagram | danibarretto

Taong 2019 nang ikasal si Dani Baretto At Xavi Panlilio. Matapos ang kanilang kasal, sa loob ng ilang buwan ay ipinanganak na ni Dani ang panganay nilang mag-asawa. Ito ang simula ng panibagong yugto sa pagsasama ng mag-asawa.

Photo via Instagram | danibarretto

Ipinanganak ni Dani ang kanyang baby girl na si Camilla Marguerite noong ika-13 ng Setyembre 2019. Nais nina Dani at Xavi na magkaroon sila ng maayos na tahanan bilang paghahanda sa buhay mag-asawa. Nagsimula silang magpatayo ng kanilang mansion matapos ang kanilang kasal.

Photo via Instagram | danibarretto

Nagpost ng larawan sa kanyang Instagram account si Xavi. Makikita sa larawan ang bahay ng mag-asawa na malapit nang matapos ang pagpapatayo. Ang kanilang mansion ay nagtataglay ng 3 palapag at maraming kwarto. Ang nakasulat na caption sa larawan ay “Getting there”.

Photo via Instagram | danibarretto

Noong Oktubre 2019 ay ibinahagi din ng mag-asawa ang larawan ng kanilang ipinatatayong bahay. Makikita sa larawan na isang palapag na ang ginagawa. Sa kasalukuyan ay malapit na mabuo ang 3 palapag ng mansion.

Photo via Instagram | danibarretto

Binanggit ni Xavi sa kanyang kaarawan noong Disyembre 2019 na natutupad na ang isa sa pangarap niya sa buhay. Sinabi niya na ang bahay na ipinapagawa ay isa sa mga pangarap niya. Nagpasalamat din siya sa biyayang natanggap niya sa kanyang buhay. Masaya siya dahil ikinasal siya sa babaeng pinangarap niya at sa bagong silang niyang anak. Nabanggit di ni Xavi na gumawa siya ng ilang kanta sa mga hinahangaan niyang mang-aawit.

Photo via Instagram | danibarretto

Nagpasalamat din siya sa mga taong walang sawang sumuporta at kasama niya sa tagumpay. Masaya siya dahil sa pamilya niyang nakasubaybay lagi para sa kanya. Maraming pagsubok sa buhay pero hindi magtatagal ay malalampasan mo rin ito. Basta magpasalamat lamang sa mga biyaya at maging positibo sa buhay.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending