Sa wakas tapos na ang paghihintay ng mga taong nais magupitan sa barber shop business ng KathNiel. Masayang binuksan ang bagong negosyo ng hottest love team sa ating bansa na si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kaibigan at pamilya. Ito ang Barbero Blues barber na matatagpuan sa 5th level ng The Block, SM North EDSA, Quezon City.

Ang nasabing grand opening ng barber shop ay sinuportahan ng todo ng kanilang mga malalapit na kaibigan at pamilya ng bawat isa. Namataan sa grand lauching event ang sina Ria Atayde, Dominic Roque, Patrick Sugui, at Vivoree Esclito ng PBB. Habang naroon din ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla, at ang Mommy Min ni Kathryn.

Ibinahagi rin Daniel na hindi lamang para sa kanila ang negosyo kung hindi para na rin sa kanilang mga ina na sina Mommy Min at Karla Estrada. Ayon pa sa binata dalagang plano nilang magkasintahan ang magtayo ng iba’t ibang negosyo para na din daw investment sa mga kinikita nila. Narito ang pahayag ni Daniel;

“Goal namin iyan bilang partners na mag-venture sa business, at investment na rin sa kinikita.
“Yan ang natutunan ko sa Mom ni Kathryn. Talagang very wise, fountain of wisdom namin iyan.”

Kung pag-uusapan naman ang patungkol sa kanilang relasyon masyado pa raw maaga kung ano man ang nakalaan sa kanilang, ngunit kung ating titingnan nagiging mautak laman sila at maingat sa perang kanilang pinaghihirapan. Heto ang simpleng sagot ng dalawa;
Sambit ni Kathryn – “Future naming dalawa, para lang… aside sa trabaho natin, meron din tayong business.
“Very lucky na nandiyan si Mama, iyung mga nagga-guide sa amin para turuan kami sa ganitong mundo,”
“Ang plano naman namin, more businesses. Hindi naman habang buhay na mag-aartista ka, e.
“Darating ang panahon na gusto na naming mag-relax, mag-settle… iyun, naghahanda na tayo,” dagdag naman ng binata.
“Growth iyan ng isang relationship,” nakangiting pakli ni Kathryn.
“Mismo!” dugtong ni Daniel.

Tunay nga na inspirasyon ang dalawa sa mga kabataan pati na rin ang kanilang pamilya na talaga namang todo ang suporta sa mga karerang kanilang nais pasukin. Kaya naman marami ang humanga sa kanilang mga gawa, dahil naiisip na nila paghandaan ang kanilang kinabukasan sa labas ng showbiz.