Connect with us

Entertainment

It’s Showtime Dancer na si Steph Robles, Ibinahagi ang Dahilan ng Kanyang Pagkawala sa Noontime Show

Kung tagasubaybay ka ng It’s Showtime na programa ng ABS CBN, ay malamang Nakita mo narin at napanuod ang isa sa mga dancers nil ana si Stephen Robles o mas kilala din bilang Steph Robles.

Marami ang nagtatanong kung ano ng aba talaga ang tunay na kasarian ni Stephen o Steph. Una syang nadiskubre ni Vice Ganda sa isang Miss Gay competition sa Quiapo, at tinulungan na maging parte ng noontime show na It’s Showtime.

Bago paman nahinto ang pag-ere ng programa dahil sa pagsasara ng ABS-CBN, napansin na Nawala si Steph sa programa. At kanyang ibinahagi ang tunay na dahilan dito.

Sa isa sa kanyang latest vlogs ay ikinwento ni Steph na mayroon siyang kuya na napakahalaga sa kanyang buhay at may malaking parte sa kanyang karera.

Makikita sa unang bahagi ng kanyang vlog na masayng pamilya sila, magkasama sa iisang bahay. Naroon rin ang kanyang mga kamag-anak, at mga pinsan. Sa bandang huli ng video, ay bumisita si Steph at ang kanyang ina sa Garden of the Ascencion Memorial Park Tarlac kung saan nailibing ang kanyang yumaong kapatid na si Jeffrey R. Navarro, na namatay noong March 13, 2020.

Ayon kay Steph, ang kanyang kuya Jeffrey ang naghahatid sundo sa kanya sa trabaho araw-araw. “Kung di nyo alam, sya yung naghahatid sundo sakin sa trabaho dati. Tapos nung nagkasakit sya, lagi na akong nagcocommute from Las Pinas to Quezon City”, banggit ni Steph.

Emosyunal na nagkukwento si Steph tungkol sa tulong sa kanya ng kanyang kapatid. “Mahirap kasi ang ginagawa ko nun commute lang ako mag-isa, gigising akong maaga. Nung andyan sya, sya pang mag gigising sakin..” dagdag pa nya.

Ang kanyang kuya umano ay 37 taong gulang palang at dating nagtatrabaho sa ibang bansa ngunit bigla itong umuwi ng Pilipinas, at lingid sa kanilang kaalaman ay may dinaramdam na pala ito.

Simula umano na nagkasakit si Jeffrey ay hindi na nakakapasok sa tamang oras si Steph dahil nahihirapan siyang gumising ng maaga, 2am, o 3am para makapasok sa 6am na call time. Isa pa sa pahirap sa kanya ang pag cocommute.

Hindi na kinaya ng kapatid ni Steph ang pagpapagamot sa sakit na lung cancer dahil hindi kinaya ng katawan nito. Labis na nalugmok sa kalungkutan si Steph noong namatay ang kanyang kuya kaya hindi na daw sya nakakapasok sa trabaho dahil sa labis na pagkalungkot.

Mahal na mahal umano ni Steph ang kanyang kapatid at hinding-hindi makakalimutan ang mga tulong na naibigay nito sa kanya at sa kanilang pamilya.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending