Isa sa may mga pinakamaraming subscribers na Pinoy content creator at vlogger sa YouTube ngayon ay si Ivana Alawi. Dahil sa angkin nitong kagandahan, kaseksihan, at galing sa pag-eentertain sa mga tao sa kanyang mga vlogs, dumami at umabot na sa 11, 500, 000.
Dahil dito malaking biyaya din ang natanggap ni Ivana mula sa kanyang mga vlogs. Naging sikat sya at kumite ng Malaki at nakapag-invest na rin dahil sa kanyang mga vlogs at iba pang projects na ibinibigay sa kanya bilang endorser at model.
Ibinabahagi rin naman ni Ivana ang mga biyayang natatanggap, sa kanyang mga supporters at sa kanyang pamilya na number one support talaga nya sa kanyang karera.
Kamakailan lang ay ibinahagi nito ang lupang ibinili nya para pagtatayuan ng kanyang family dream house. Ipinakita din nya ang disenyo na gusting-gusto nya para sa kanilang bahay.
Hindi umano gumagastos si Ivana ng per ana kita nya sa mga vlogs nya dahil ipinag-iipunan nya itong proyekto nyang bahay para sa kanyang pamilya.
Ipinakita ni Ivana ang bahay na nais nyang maging disenyo ng kanilang dream house. Ito ay isang 3-storey house na modern at napaka ganda.
Mayroon itong garahe, may veranda sa 2nd at 3rd floors, at mayroon din naman glass wall na malaki sa harap nito, at flaat na roofing na nagpapa-ganda lalo sa bahay.
Kahit sa prototype na disenyo pa lamang ng bahay ay napaka-ganda na nito. Sa loob, ang bahay ay may white and gold na kulay magmula interior ng bahay pati na rin sa mga furniture. Tila naroon ka sa loob ng isang mala-palasyo na bahay.
Ang disenyo ay gawa ng UID Architect at hinango sa Italian house dahil ito umano ang gusto ni mommy Fatima, ang in ani Ivana. Papagawan din ng napakalaking swimming pool sa likurang bahagi ng kanilang bahay.
Ayon kay Ivana, malapit nan yang maisasakatuparan ang pangarap nyang ito para sa kanyang pinakamamahal na pamilya.