Mariam Al-Alawi, o mas kilala bilang si Ivana Alawi. Bukod sa pagiging model at vlogger, naging isa rin siyang contract artist ng ABS-CBN. Si Ivana ay isa sa mga nakakatandang kapatid ng GMA kapuso child star na si Mona Louise Rey na mas kilala na ngayon sa pangalang Mona Alawi.
Unang nakita sa telebisyon si Ivana noong siya ay naging isa sa mga kalahok ng StarStruck (season 6). Naging finalist naman ang aktres sa naturang kompetisyon. Lalo siyang sumikat sa pamamagitan ng Instagram at Youtube.
Isa sa mga pinagkakaabalahan ng aktres ay ang pag-bahagi ng kanyang mga vlogs sa Youtube. Naging patok sa netizens ang kanyang latest vlog kung saan siya ay naging isang “Mama for a day”.
Lingid sa kaalaman ng karamihan ay mayroon pang nakakatandang kapatid si Ivana, at ito ay si Amira Alawi na may anak na si Baby Gabriel. At sinubukan nga ni Ivana na gawing anak ang kanyang pamangkin sa loob ng isang araw.
Ayon kay Ivana, si Amira ay isang “private” na tao ngunit payag naman siyang isali ang kanyang anak sa vlog ng kanyang kapatid
Sa unang bahagi ng video ay ipinakilala ni Ivana si baby Gabriel bilang “latest addition” sa Alawi family. Makikita sa video na sa simula ay tila hindi pa natutuwa si baby Gabriel at parang ayaw pang magpakarga sa kanyang tita Ivana, ngunit hindi naman sumuko ang aktres at patuloy nitong inaliw si baby Gabriel hanggang sa sila ay nagkasundo.
Nagkaroon rin ng interview portion si Ivana at baby Gabriel. Tinanong ng aktres ang bata ng “What does it feel like to be the newest Alawi?”, hindi man makasagot ang bata ngunit nagpakita nalang ito ng cute ng expression. Dahil sa pagiging makulit ni baby Gabriel, inihalintulad siya ng aktres sa isang uod.
Sa huling bahagi ng video ay makikitang hirap si Ivana na patulugin ang pamangkin kaya’t tumawag nalang ito kay Amira para humingi ng payo.
Tuwang tuwa naman daw si Ivana sa pag gawa ng video at nagpasalamat rin siya sa kanyang ate Amira sa pagpayag nitong isali si baby Gabriel sa kanyang YouTube video. Hangang hanga naman si Ivana sa mga single mom at sa lahat ng nanay. Ayon sa kanya, “the best” ang mga nanay at hindi biro ang mag alaga ng bata.