Isa sa pinaka-sikat ngayon na celebrity vlogger ay si Ivana Alawi. Naging kilala nga ito dahil mismo sa kanyang pagba-vlog at dahil na rin sa kanyang angking kagandahan at kaseksihan na marami ang napapahanga sa kanya.
credit to ivana alawi | youtube
Marami na rin ang kanyang mga vlogs kasama na ang mga pagsurpresa nito sa kanyang pamilya at ang kamakailan lang ay ang pagsurpresa sa mga riders o mga delivery man.
Naaawa umano si Ivana sa mga riders na napapabalitang pinagtitripan ng ibang mga tao. “Yung reason talaga kung bakit ko ito ginagawa is because marami akong nakikita na scammer na mga tao na akala nila nakakatawa na pagtripan nila ang mga driver na nagpapakahirap magtrabaho,” wika ni Ivana.
credit to ivana alawi | youtube
Kaya naman sa kanyang latest vlog na Prank + Surprising, talagang nasurpresa ang mga riders sa kanyang ginawa sa kanila. Namili si Ivana ng mga helmets na ipamimigay sa mga drivers.
Sa labas ng kanyang bahay, naroon ang mga helmets, at nagkunwari si Ivana at gumamit ng ibang pangalan upang umorder ng pagkain. Nagulat ang mga rider pagkakita sa vlogger at namigay ng helmets at ng pera kapalit ng sagot sa ilang katanungan.
credit to ivana alawi | youtube
“Maraming way na maglokohan kayo pero huwag mong pagtripan ang isang tao na nagtatrabaho ng marangal. Kaya ako, I’ll try to help in my own small way,” pahayag ni Ivana sa kanyang vlog.
Nais umano nito na magbigay pasasalamat sa mga masisipag na mga riders na nagtatrabaho para lamang makatulong sa pamilya pati na rin sa mga tao na nag-oorder ng pagkain online.
credit to ivana alawi | youtube
“Yung sobrang masisipag natin na mga drivers, kahit pandemic talagang bumabiyahe kayo para makapagpadala ng mga pagkain, ng mga delivery, mga orders namin. Salamat, saludo ako sa inyo,” banggit nito.
Walong riders ang mapalad na nakakuha ng helmet at pera mula sa vlogger. Kahit sila ay naka face masks, mararamdaman mo na labis ang kanilang pasasalamat kay Ivana sa munting tulong na kanyang ibinahagi. Masaya din sila at nakita nila sa personal ang sikat na vlogger at aktres.