Connect with us

Entertainment

Iya Villania Hinangaan sa Kanyang Body Transformation Matapos nitong Isilang ang Ikatlo Niyang Anak

Masayang-masaya na naman ang mag-asawang Iya Villania Arellano at Drew Arellano sa pagdating ng kanilang bagong baby na ipinanganak ng aktres kamakailan lang.

Ipinangalanan nilang Alana Lauren ang baby number 3 na ipinanganak ni Iya noong July 18 sa Medical City sa Ortigas Avenue, Pasig City. Tuwang-tuwa ang mag asawa dahil nga sa wakas ay mayroon na silang anak na babae pagkatapos ng dalawang lalaki.

Kagaya nga ng ibang mga babae na nanganganak, hindi exempted ang aktres sa pagbabago ng kanyang katawan. Subalit hindi niya ito ikinahihiya bagkus naging proud pa ito at nag post pa ng kanyang imahe pagkaraan ng ilang araw pagkatapos manganak.

Ipinakita nya sa kanyang IG ang mga litrato na nagpapakita ng kanyang tiyan ilang araw pagkatapos nito naipalabas ang pangatlong anak. Makikita sa mga unang litrato na malaki parin ang kanyang tiyan subalit pagkaraan ng isang lingo ay bumalik na ito sa normal na flat na tiyan. Maraming netizens ang namangha sa bilis ng pagbabago na nakita sa katawan ng aktres.

“Crazy what a mother’s body goes thru! Being so much kinder and patient with my body this time”, wika ni Iya.

“My body isn’t where I want it to be but I’m okay with that. It will take time and I’m in no rush. Work starts this week but waiting it out another week before I really get moving and ease back into my regular grind”, dagdag pa nito.

Kinakailangan daw ni Iya na iremind ang sarili na dahan-dahan at unti-unti rin babalik ang dating routine at katawan. Sa kabila daw umano na tatlong sanggol na ang kanyang isinilang, hindi parin madali sa kanya ang huling panganganak.

“will fill you guys in with my journey including all the things that I feel have been helping me recover this time around #RecoveryAfter3”, sabi nito sa kanyang interview sa 24-Oras.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending