Bago paman nakilala si Jake Zyrus ay kilala siya noon bilang si Charice Pempengco na isa sa mga magagaling na batang mang-aawit noon, matagal nga bago ipinakita ni Charice sa publiko kung sino at ano nga ba talaga siya. Haggang sa dumating na nga para sa kanya ang tamang panahon para aminin sa lahat ng mga mamamayan at fans niya ang kanyang tunay na kasarian.

Samantala, matapos ngang nagawa ang kanyang pag-amin sa publiko sa tunay niyang kasarian ilang taon pa lamang ang lumipas ay nagdesisyon siya na palitan na rin ang kanyang pangalan at buong pagkatao. Hanggang maging isa na nga siyang lalake, maging sa panlabas na anyo at kinikilala na bilang si Jake Zyrus ng publiko.

Marami na ang nagulat sa pag-iibang anyo nito at maging ang kanyang pamilya ay ikinagulat at ikinasama ng loob, lalo na ang kanyang Ina na si Raquel Pempengco.May ilan pa nga nagsasabi na ginawa ito ni Jake Zyrus ay sinayang niya ang talent na pinagkaloob sa kanya at maari umano itong eka-bagsak ng career na meron siya.

Halos lahat ng makikita natin kay Jake Zyrus ngayon ay malayo na sa Charice Pempengco nuon, under talked siya ng Chest Reconstruction Surgery at Hurmons para isang maging tunay na lalaki, nagpalagay rin siya ng ilang mga tattoos sa kanyang mga katawan at pinagupitan na may Klee o boy cut ang kanyang nuon mahaba na buhok.
May mga pagbabago sa kanyang boses ay nahahalata narin minsan nun nagkaroon siya ng isang interview ay ka pansin-pansin narin sa mukha nito ang Facial hair na tumutubo.Madami man ang mga negatibong reaction sa naging pagbabago niyang ito, ay may isang tao naman umano ang nagpalakas, nagbigay ng soppurta kay Jake Zyrus na kung saan hanggang ngayon nananatili ito sa kanyang tabi bilang katuwang niya sa buhay.

Kasabay nga nang pagbabago sa kataohan ni Jake Zyrus ay naging bukas din ito sa publiko tungkol sa karelasyon nito noon na si Allysa Quijano na kung saan ilang taon narin bago ito nauwi sa hiwalayan. Matapos ng malaking pagbabago sa buhay ni Jake Zyrus ay bihira na nga itong lumalabas sa television.

Sa ngayon nga sa kabila ng pinagdadaanan pagsubok sa buhay ay masaya umano si Jake Zyrus sa buhay na meron siya ngayon kasama ang life partner niya ngayon na si Shyre Aquino, isang register nutrionist at dietitian.

Hindi man naging lihim sa publiko ang relasyon ng dalawa dahil makikita sa kanilang social media account, kung gaano sila ka proud sa kanilang ibinahagi sa publiko ang pagsasama nila bilang magkarelasyon.

Ayon kay Jake, nagsimula ang relasyon nilang dalawa ni Shyre bilang hinahangaan at tagahanga.
Para nga kay Jake Zyrus ay kahanga-hanga si Shyre dahil sa naging pagtanggap nito sa kanyang pagkatao at minahal siya nito sa kung ano paman ang kasarian niya na meron siya.
Source: Gzone TV / YouTube