Kapag narinig mo ang pangalang Jed Madela, wala ng iba pang papasok sa isip mo kundi isang napakahusay na singer.
Si Jed Madela na may tunay na pangalan na John Edward Madela Tajanlangit, ay isa sa mga pride ng bansa sa larangan ng pag-awit at musika. Sya ay napakagaling na singer, recording artist, songwriter, TV host, entertainer, at minsan aktor. Sya ang kauna-unahang pinoy na nanalo ng titulo na World Championships of Performing Arts.
Si Jed ay ipinanganak sa Iloilo, subalit ngayon ay nakatira na ito sa Las Pinas dahil doon sya nakabili ng kanyang sariling bahay.
Samantala, hindi rin nagpahuli ang singer na ipasilip ang kanyang bahay at tampok ito sa Welcome Kayo Dito.
Pagpasok mo sa bahay, unang bubungad sayo ang hagdanan papunta sa second floor ng kanilang bahay kung saan naroon ang kanyang kwarto. Ngunit, unang ipinakita ni Jed ang kanilang dining room.
Sa dining room, mayroong wooden furniture kagaya ng mga upuan at lamesa. Ayon kay Jed magkatabi lang ang kusina at dining area upang mas madali umanong kunin ang mga bagay na kailangan kapag kumain. Mapapnsin din ang maraming potted plants na naroon sa dining area.
Pagkatapos naman ay ipinakita nya ang prayer area kung saan kakapaparenovate lang daw nito dahil wala umanong prayer area noong unan nyang nabili ang bahay. Paborito umanong tambayan ito ni Jed dahil doon sya nakakapag relax at nakakapag meditate.
Sa hallway paakyat sa hagdan patungong second floor, naroon ang malalaking paintings na binigay at kinolekta umano ni Jed, na gawa ng iba’t-ibang kilalang artists.
Sa second floor ay may apat na kwarto at isang kwarto umano ay napaka espesyal sa singer dahil ito ay kwarto ng kanyang mga collection.
Ito ay tinawag nyang toy room o Funko Room dahil naroon ang kanyang napakaraming collection ng mga Funko items.
Lahat halos ng mga karakter sa Disney ay kanyang ikinolekta, pati na rin mga karakter sa kanyang mga paboritong TV series kagaya ng Modern Family, Friends, Riverdale, Clueless, Mean Girls, Stranger Things, Harry Potter, Fantastic Beasts.
Naroon din ang mga cartoon characters na kinalakihan na umano nito kagaya ng Pacman, Mojo Jojo, Smurfs, at Teletubbies.
Mamangha ka talaga sa sobrang dami ng kanyang koleksyon na isang buong kwarto sa kanyang bahay.