Walang permanente sa mundo, ika nga ng marami. Relasyon, tao, trabaho, kayamanan. May mga bagay tayo na gusting nating gawin ngunit dapat isantabi muna dahil may mas mahalagang bagay na dapat bigyan ng priority.

Hindi lahat ng artista ay nag-aartista habang buhay. Marami ang umaalis sa mundo ng showbiz upang tahakin ang panibagong yugto ng buhay, kasama ang pamilya.
Kung inyong naalala ang aktres na si Jennifer Sevilla, maitatanong nyo rin siguro kung saan na sya ngayon at ano na ang kanyang buhay pagkatapos iwan ang mundo ng showbiz.

Si Jennifer Sevilla matagal naging kasama sa That’s Entertainment noong kabataan palang nito. Bumida din siya sa pelikulang Kapitan Inggo noong 1984. Ilan din sa kanyang mga kinabilangan na proyekto ang pelikulang Kung Ako Na Lang Sana (2003) kasama si Sharon Cuneta at Aga Muhlach sa ilalim ng Star Cinema. Naging bahagi din ang aktres sa Gawad Kalinga Paraiso: Tatlong Kwento Ng Pag-asa (2007) kasama si Maricel Soriano.

Nakailang beses din na nasali bilang nominado sa mga prestihiyosong parangal si Jennifer, kagaya nga FAMAS Award at Gawad Urian Award. Subalit sa ganda ng takbo ng kanyang karera sa industriya ng showbiz, nilisan nya ito pagkatapos niyang napakasalan ang negosyanteng si Seymour Go, a noong November 11, 2007.

Nagkaroon ng mga anak na lalaki si Jennifer. Ayon sa panayam sa aktres, “I really decided to put showbiz on hold muna and be a full-time mother and at the same time to take care of our business,” wika ni Jennifer.

Maraming Negosyo ang minamanage ni Jennifer kasama na ang kanilang hairpiece business kung saan mga kapwa artista din ang madalas nilang customers. Wika nito, may gusto nyang pagtuunan ng oras at pag-aalaga ang kanyang mga anak dahil mabilis lang umano lumipas ang panahon.

Sa kanyang latest IG post, ibinahagi nito ang larawan kasama ang kanyang anak. “Simon’s Moving Up Day from playschopl. He often asked me if he will ever be as tall I was.And I would tell him, “of course Simon! Look, how about now?”..Then I’d kneel for us to be of same height that moment. Giggles, kisses and cuddles would always follow suit.