Connect with us

Entertainment

Jo Berry, Itinuturing na Blessing ang Pagkakaroon ng Dwarfism Dahilan Upang Makapasok ito sa Showbiz

May mga taong isinilang na may espesyal na katangian, subalit para sa iba, ito ay itinuturing na kapansanan o depekto sa katawan. Maaaring tampulan din ito ng tukso at pangungutya ng iba, subalit walang sinuman ang maaring humusga sa pisikal na anyo ng isang tao.

photo credit to thejoberry | ig

Sa kabilang dako, naging malaking blessing naman na maituturing ng aktres na si Jo Berry ang kanyang espesyal na anyo bilang isang “maliit” na tao upang marating at makamit kung anumang mayroon sya ngayon.

Si Jo ay 25 na taong gulang na subalit ang kanyang taglay na tangkad ay pang anim o pitong taong gulang lamang na bata  dahil mayroon itong dwarfism.

photo credit to thejoberry | ig

Subalit dahil sa kanyang espesyal na katangian, naging daan ito upang makapasok sya sa showbiz. Baguhan pa lamang ito ngunit makikita na ang galing at talento nito sa pag aarte. Ginagampanan nito ang karakter ni Onay sa teleseryeng Onanay ng GMA network.

photo credit to thejoberry | ig

Kung kilala nyo ang artistang si Dagul, mapapansin na may pagkakahawig lamang ang kanilang tangkad dahil mayroon ding dwarfism ang nasabing aktor. Madalas tawagin na unano ang mga taong may dwarfism subalit sa kabila ng kanilang pagiging maliit ay mayroon din silang mga kakayanan kagaya ng mga “normal” at malalaking tao.

Kaya umanong makipagsabayan ng baguhang aktres sa mga bigating artista kagaya nila Cherrie Gil, at Nora Aunor. Bukod nga sa Onanay ay lumabas din ang aktres sa Daddy’s Gurl, Dear Uge, The Gift, at Daig Kayo ng Lola ko.

photo credit to thejoberry | ig

Namana umano ni Jo ang kanyang pagiging maliit sa amang may dwarfism, kaya’t pati narin ang kanyang mga kapatid ay maliliit din kahit na normal ang tangkad ng kanilang ina.

Nakapagtapos ni Jo ng Computer Science sa Infotech Makati at nakapagtrabaho din ng dalawang taon sa isang BPO company kung saan hinangaan din ang kanyang galing lalo na sa Finace.

photo credit to thejoberry | ig

Mas nadiskubre ang galing sa pag arte ni Jo noong ito ay naging bida sa programang Magpakailanman sa isang kwentong nalalapit talaga sa kanyang karanasan. Ayon umano kay Jo, kagaya ng istorya sa Magpakailanman, nagkaroon din daw sya ng dating karelasyon sa isang lalaking may normal height. Pagkatapos ng kanyang pag ganap sa nasabing programa, mas nabigyan pa sya ng maraming mga proyekto.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending