Maraming artist ana rin ang nahihilig sap agba-vlog ng kanilang mga buhay, mga araw-araw na ginagawa, pagpapakita ng kanilang bahay sa kanilang house tour, mga collection, at pati na rin mga mahahalagang mga lugar at pangyayari sa kanilang mga buhay.
credit to jodie santamaria | youtube
Samantala, ang aktres na si Jodi Sta. Maria ay nagbalik tanaw sa isa sa mga pinakamahahalagang pangyayari sa kanyang buhay noong nagsisimula pa lamang sya sa kanyang karera sa mundo ng showbiz.
credit to jodie santamaria | youtube
Naaalala nyo pa ba o naabutan nyo ba ang palabas na “Tabing-Ilog”? Ito ay isang teen-drama series sa ABS-CBN na ipinalabas noong 1999. Ilan sa mga bumida na artista ay sina Kaye Abad, Paolo Contis, John Lloyd Cruz, Desiree del Valle, Patrick Garcia, Baron Geisler, Paula Peralejo, at si Jodi Sta. Maria.
credit to jodie santamaria | youtube
Bago pa man si Jodi nakilala bilang si Maya sa “Be Careful with My Heart” ay bilang si Amor Powers sa “Pangako Sa’yo”, una siyang nakilala bilang si Georgina sa “Tabing-Ilog”.
Sa isang vlog ng aktres, binalikan nito ang lugar kung saan sila nag-shoot ng “Tabing-Ilog”.
credit to jodie santamaria | youtube
“After sooo many years, binalikan ko ang isa sa mga memorable places in my life. Ito ang naging ‘destination’ for four years at dito nagsimula ang lahat. Sobrang nostalgic, parang kahapon lang ay nag sho-shoot pa kami, but now we are all grown ups”, paglalahad ni Jodi.
credit to jodie santamaria | youtube
Malapit umano sa kanyang puso ang probinsya ng Laguna, kung saan naroon ang Pagsanjan na naging pangunahing pinagdausan ng kanilang shooting para sa nasambit na teleserye. Mahigit 15 taon na umano na hindi nakakapunta si Jodi sa Pagsanjan, Laguna kaya sobrang excited ito na ibahagi ang kanyang pagbisita roon.
“Naeexcite ako kasi it’s been more than 15 years since ‘yung huli akong nakatapak sa Pagsanjan, Laguna at ngayon, hindi ko alam kung ano ang i-eexpect ko”, wika ng aktres.
Nabanggit din ni Jodi sa kanyang vlog ang ilan sa mga mga lugar o tourist spots sa Laguna na maaring bisitahin.