Connect with us

Entertainment

Julia Baretto, ipinasilip ang mga nag-gagandahang mga collection sa kanyang walk-in closet

Usong-uso ngayon ang vlogging lalong-lalo na sa mga artsita. House-tour, pagpapakita ng mga paipundar na mga kagamitan, pagvlog ng mga hilig nila kagaya na lamang ng paghahalaman, pagtatanim, pagluluto, pangongolekta ng mga kagamitan at iba pa.

Samantala, sa latest vlog sa kanyang YouTube Channel na JustJulia, ipinakita ng aktres na si Julia Baretto, ang kanyang walk-in closet na matagal nang hinihiling ng mga followers na makita.

Ang una-unang makikita pagpasok sa kanyang closet ay ang samu’t-saring mga sapatos, at mga bags. Ito ay may iba’t-ibang kulay, mga makukulay at black and white, iba’t-ibang laki at mga disenyo. Mas mahilig umano ito na gumamit ng maliliit na bags sa anumang lakad nito at mga errands.

Ilan sa kanyang mga bags ay Prada, Gucci, Chanel, Louis Vuitton, at naroon din ang black na Balenciaga na bag na pinakauna nitong nabili noong nagsimula itong magtrabaho sa showbiz.

Kasama din sa kanyang collection ang iba’t-ibang klase ng sapatos magmula sa sneakers, boots, at mga formal shoes na iba-ibang brands kagaya ng Hermes, at mga Christian Louboutin na mga napakamahal na mga sapatos.

Nagsimula umanong nahiligan ni Julia ang mangolekta ng mga sapatos dahil noong 15-16 taong gulang sya noong mayroong syang first pinakaunang event at naroon ang ibang mga kasama nya sa event na halos nakasuot ng Christian Loubouton na mga sapatos.

“I remember in that moment na naiyak talaga ako sa dressing room coz I felt like parang naembarass ako that I did not have good quality shoes, I didn’t have Christian Loubouton pairs of shoes at that time”, banggit ng aktres. Iyon umano ang naging imspirasyon ng aktres upang magtrabaho ito ng maayos at mabili nya ang mga bagay na gusto at kailangan nya.

Isa rin sa mga collection ni Julia ay ang iba’t-ibang uri ng perfume dahil napakahilig umano nito sa pabango. “I just find so much happiness in scents” banggit pa nito.

Napakalaki at napakalinis ng kanyang walk-in closet. May kanya-kanyang drawer at storage ang kanyang mga gamit dahil nais nito na organize at minimalist lamang ang walk-in closet at kumpleto ang lahat ng kanyang mga kailangan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending