Si Julia Francesca Barretto Baldivia o mas kilala natin sa screen name na Julia Barretto ay isa sa mga sikat na aktres ng kanyang henerasyon. Siya ay anak nina Marjorie Barretto at aktor na si Dennis Padilla. Hindi rin maikakaila na isa siya sa may napakagandang mukha sa mundo ng showbiz. Bukod pa sa angking ganda ng aktres, mapapahanga niya rin tayo sa kanyang galing sa pag-arte. Kaya naman napakaraming fans ang talaga namang sumusuporta sa kanya.

Marami na rin ang nagawa niyang teleserye at mga pelikula na tinangkilik at sinubaybayan ng mga manunuod. Ilan sa pinagbidahan niya ay ang Kokey, Mirabella, And I Love You So, Vince and Kath and James, Love You To The Stars and Back, I Love You Hater at Between Maybes. Dahil nga sa galing nito, nabigyan siya ng parangal para sa ilan niyang nagawang mga palabas sa telebisyon at pelikula. Nagkaroon na rin siya ng ilang ka-love team na pumatok sa masa. Ilan sa kanila ay sina Enrique Gil, Iñigo Pascual, at Joshua Garcia. Kabilang rin ang aktres sa ASAP It Girls kasama sina Liza Soberano, Janella Salvador at Kathryn Bernardo.


Bukod sa galing sa pag-arte, sikat rin si Julia Barretto sa kanyang fashion style. Dahil rito, marami ang napapahanga sa kanya at ang iba pa ay ginagaya ang kanyang style o ginagawang inspirasyon ang kanyang pag-aayos. At kung kayo ay naghahanap ng new hair style o new hair color, merong suggestion si Julia Barretto para sa iyo.

Netong February 8 nga ay ibinahagi ng make-up artist na si Robbie Pinera ang ilang larawan ng aktres na si Julia Barretto at ang kanyang new ‘do. Makikita sa larawan ang bagong hair color na talaga namang bumagay sa kanyang napakagandang mukha. Tila nagmukha pa siyang ‘living doll’ dahil sa kanyang bagong ayos.

Bagay na bagay sa kanyang original hair color ang blonde highlights na ginawa sa kanyang buhok. Sabayan pa ng tila undone waves or curls na talaga namang lalong nagpaganda sa hairstyle ng dalaga.
Marami nga ang mga napahanga sa bagong look ng aktres. Usong-uso rin ngayon ang pagbabago ng mga hair style o hair color lalo pa at parating na ang summer season! Kaya naman kung isa ka sa mga nais magkaroon ng makeover, maaari mong gawing inspirasyon ang new look na ito ni Julia Barretto.