Napabalita nasa bansang Germany ang aktres na si Julia Montes ngunit kamakailan lamang kumalat ang larawan nito sa social media platform na Twitter at agad na nagtrending worldwide. Ayon sa mga tweet, si Julia ay nagbalik na sa ating bansa. Ang aktres nga ay napabalitang umalis ng ating bansa upang asikasuhin ang ilang importanteng bagay patungkol sa kanyang citizenship sa bansang Germany.

Matagal nga nawala sa sirkulasyon ng showbiz industry ang 24-anyos na aktres na huli pang nakita sa proyektong Asintado sa kapamilya network noon pang taon ng 2018. Julia Montes is Back ito nga ang salitang nagpatrend sa Twitter kamakailan kung saan namataan si Julia Montes na namimili sa isang Super Market bandang Greenhills, San Juan.

Sa hindi malinaw na petsa kung saan makikita ang larawan ni Julia kasama ang ilang fans sa litrato. Dahil na rin sa kagustuhan matiyak kung si Julia nga ba ay totoong nasa ating bansa at siya ang namataan na namimili. Nagsaliksik ang PEP, Ayon sa PEP o Philippine Entertainment Portal ang batang aktres ay namimili sa Unimart Supermarket, sa Greenhills, San Juan City.

Ito rin ay kinompirma ng ilang staff sa nasabing pamilihan. Makikita nga sa lawaran na si Julia ay nakasuot ng shades at ang ilang mga kuha naman ay wala itong suot na salamin. Maraming fans ang bumati at pumuri dito, ang ilan ay nagpahatid ng kasiyahan sa muling pagbabalik ng aktres. Sa ibang larawan makikita na nangingibabaw ang kagandahan nito, at tila fresh na fresh ang itsura ng nasabing aktres.


Napagusapan din ang kanyang pag-bubuntis, dahilan nga noong nakaraang Abril ito daw ay nanganak sa isang ospital sa Maynila. Marami pa rin ang pumuna sa napakagandang itsura ng aktres at umani ito ng iba’t ibang reaksyon patungkol sa kanyang awra na parang hindi daw ito nanganak. Hanggang ngayon wala pa rin namang malinaw na sagot o pag-amin sa napabalitang panganganak ng aktres.
{source}