Naaalala nyo pa ba ang nag viral noon na si “Carrot Man”, o si Jeyrick Sigmaton sa totoong buhay. Naging usap-usapan sa Facebook ang kanyang buhay noong taong 2016 dahil sa mga candid na larawan na kuha sa kanya habang pasan-pasan nya ang kaing na punong-puno ng mga carrots.

Dahil sa kanyang napaka-among mukha, matangos na ilong, manipis at maliit na bibig, malalim na dimples, at mahabang buhok, marami ang agad ay nakapansin sa kanyang kagwapuhan. At simula noong naging viral si Carrot Man sa Facebook, marami ang umalok sa kanya ng trabaho upang maging artista, modelo, at iba pa.

Ilang taon na din ang lumipas, kamusta na kaya ang buhay ni “Carrot Man”Jeyrik ngayon? Malayo na sa kanyang kinagawiang buhay noong sa Mountain Province, si Jeyrick ay isa nang Real Estate Agent ngayon.
Tila maganda ang karera ni “Carrot Man” dahil sa kita sa ilang mga larawan nito sa social media ay nakapag byahe na rin sa ibang bansa ang binata.

Naitampok din ang buhay ni Carrot Man sa program ana Magpakailanman ni Mel Tiangco.
Nagkaroon din ng ilang appearance si Carrot Man at ang isa ay noong Disyembre lamang noong nakaraang taon. Ito ay nakasuot ng traditional na damit ng Igorot at naipalabas ang show online sa PTV Cordillera. Nagkaroon din ito ng TV guesting sa show ni Willie Revillame na Wowowin. Maaalalang binigyan ito ng scholarship noon ni Willie upang makapag-aral at makapagtapos sa kolehiyo.

Magaling din pala na singer si Jeyrick at sa katunayan ay miyembro na din ito ng isang boy band na tinatawag na FAB4Z. Ito ang naging daan upang makapunta sya sa iba’t-ibang bansa gaya ng Hong Kong, UK, at Korea.

Bukod pa rito, rumaket din si Carrot Man bilang isang model ng Boardwalk at nagkaroon pa ito ng billboards sa Edsa. D oon nya lalong napagtibay ang kanyang kompyansa sa sarili.