Connect with us

Entertainment

Kathryn Bernardo, Ipinasilip Sa Fans Ang Ipinapagawang Bahay Para Sa Kanyang Pamilya

Lahat ng tao ay nais na umasenso. Lalo na kung ikaw ay galing sa mahirap na pamilya at nagnanais na umunlad sa kabila ng hamon ng mundo. Ang pinaka unang nais nating pag-ipunan o magkaroon ay ang bahay at lupa.

Marahil sa iba ito ay talagang mahirap maabot,dugo at pawis at sakripisyo ang kailangan upang maabot ito. Ngunit para sa isang determinadong marating o makuha ito ay walang imposible. Isa diyan ay ang sikat na aktres na si Kathryn Bernardo. Pangarap din niyang magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Dahil sa kanyang pagpupursigi at pagsusumikap ay unti unti na niyang nakukuha o nararating ang isa sa kanyang mga pangarap. Nito lamang January 5 sa IG post ng aktres ay ipinakita niya ang kanyang ipinapatayong bahay. At napakasarap sa pakiramdam sapagkat sa post na ito ay makikitang kasama niya ang kanyang pamilya sa kanilang site visit.

Makikitang masaya ang mag-anak sa nalalapit ng matapos na bahay ng aktres. Isang mataas at malawak na bahay na may dalawang palapag base sa itsura nito sa kanyang IG post.

Isa sa magandang paglagyan ng mga kinikitang pera ay ang ganitong klase ng investment. Bagay na hindi man tau tutubo sa mga susunod na panahon pero itatago tau sa lup!t ng panahon kagaya ng mga deluby0 o pagbaha. Hindi ito kagaya ng ibang investments na posibleng scam,walang balik o bumababa ang halaga.

Ito ay investment na maaari mo pang ipamana sa mga susunod na henerasyon. Ito ay pangarap na matutupad ni Kathryn at syempre nasa likod niya ang kanyang leading man na si Daniel Padilla. “YAHOO!!!!!EXCITING TIMES!!!” wika ng aktor.

Sinimulan ni Kathryn ang dream house na ito noon Marso 2020 at hanggang ngaun ay patuloy parin ang paggawa. Halos magtatatlong taon na ang paggawa nito kaya tlga namang siguradong maganda ang kalalabasan. Sa isang interview ni Kathryn sa Magandang Buhay ay naikwento niyang:

“Dream ko talaga na mapatayo iyong dream house namin ni Mama. Pero hindi kasi joke ang gagastusin, tapos ang daming priorities. So sabi namin baka next year. Tapos patagal ng patagal bago nasimulan. So last week, sinurprise namin si Papa na doon lang namin ipinakita na may nabili kaming lote”, kwento ni Kathryn.

Sobrang sipag ng aktres “kayod lang kayod. Anuman ang hirap, ang mahalaga ay mayroong mararating lalo na ang ating pinagpaguran” wika pa niya.

Isa si Kathryn sa mga artistang nararapat lang na tularan. Huwag tayong mapagod abutin ang ating mga pangarap.

Source: Kathryn Bernardo Instagram

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending