Connect with us

Entertainment

Kathryn Bernardo ipinasilip ang kanyang bonggang Studio

Matatandaan noong nakaraang kaarawan ni Kathryn Bernardo sa kanyang Vlog ay ipinasilip nito ang patikim sa kanyang studio kung saan ginulat siya ng mga taong malalapit sa kanya dahil ang naturang studio ay matagal na pala niyang pangarap ngunit ito ay iniregalo sa kanya ng kanya ina sa kaarawan nito.

credit to kathryn bernardo vlogs | youtube

Ngayon ay madalas na makita ito sa kanyang mga vlogs at instagram account, Fully operational na ito at bukas na sa publikong nais ganapin ang kanilang mga event or photoshoot dito.Halina’t silipin ang ganda nito at kakaibang desensyon na may modern elegant with natures vibes.

credit to kathryn bernardo vlogs | youtube

Pagpasok pa lamang bubungad na ang garden na may Gazebo kung saan nakakarelax ang itusra nito at madalas nilang tambayan pagkatapos ng kanilang shoot. Pagpasok mo naman ang cool na receiving area ang bubungad sa’yo. Ang area na ito ang madalas makita sa kanyang mga litrato kung saan palatandaan dito ang mailaw na TGIS.

credit to kathryn bernardo vlogs | youtube

Ang susunod naman ay ang conference room na may eleganteng desenyo, makikita mo talaga ang pagkaperpekto at kumpleto ng lugar na ito bukod sa mahabang lamesa na may telebisyon. Mayroon din itong sofa kung saan maaring magpahinga matapos ang event at magkwentuhan.

credit to kathryn bernardo vlogs | youtube

credit to kathryn bernardo vlogs | youtube

Sa kabilang pinto naman nito ay ang patungo sa napakalawak na studio kung saan maaaring ayusin ang iba’t ibang konsepto na pwede mong ilapag dito. May sariling daanan dito para sa mga staff and crew at mga kumpletong gamit nito sa may storage area nito makikita lahat. Ang kakaibang upuan kung saan sa loob nito ay imbakan din ng mga gamit para sa konsepto ng shoot na gagawin.

credit to kathryn bernardo vlogs | youtube

Sobrang natural ng lugar ng studio para sa mga nais ng natural light ginawang salamin ang palibot nito. Bukod sa may mataas na ceiling na talaga nakakaluwag at nakakaaliwalas nito.

Ang susunod naman ang dressing room at make up area, naka solid ng lugar na ito bukod sa may sariling banyo sa loob nito ay may bath tub para kung sakaling nais ng artist na maligo bago o matapos ang event ay pwede nila itong gamitin.

Parking area at mga banyo, Makikita sa lugar na ito na sobrang lawak at kitang kita maraming sasakyan ang magkakasya dito. Matatagpuan dito ang kanya kanyang banyo para sa VIP at mga staff n crew.

Tiyak na nalula kayo sa ganda at lawak ng studio ni Kathryn Bernardo, at sa huli humingi pa siya ng suhestyon kung ano magandang ipangalan sa nasabing studio.

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending