Sobrang nasupresa si Kathryn Bernardo sa birthday gift sa kanya ng inang si Mommy Min Bernardo. Kahit na medyo huli na ang regalong ito bakas pa rin ang kaligayahan ng isang ina na mabigyan ng kakaibang supresa ang anak. Kasabwat ang ilang miyembro ng pamilya at mga malalapit na tao sa buhay ni Kath kabilang na ang kanyang pinakamamahal na Daniel Padilla.
Hindi siya makapaniwala dahil super bongga ito at hindi niya kailanman inisip na ibibigay sa kanya ito bilang isang birthday gift. Kasi sinuman hindi makakapaniwala na isang birthday gift ang pagkakalooban ka ng isang Studio.
Isang studio lang naman ang regalo ni Mommy Min sa dyowa ni Daniel Padilla. Ipinakita niya ito sa kanyang Instagram account at Youtube channel nito na Kathryn Bernado ang buong detalye kung paano nila ito inihanda ng mahabang panahon.
Ang paniwala kasi ni Mommy Min ay kakailanganin ito ni Kathryn para mayroon siyang sariling place para sa shoots, pictorials, events, commmercials or vlogs.
Sa kanyang Instagram account, gulat na gulat si Kathryn pagkakita sa studio. Napayakap pa nga ito na mahigpit kay Daniel ganun din naman sa kanyang ina na si Mommy Min. Sobrang gulat ng dalaga sa supresang ito. Mapapanood ang buong pagplano nito sa kanyang Youtube account.
Halos lahat ng fans ng dalaga ay natuwa din sa kasiyahan ni Kathryn at hindi naman maitatanggi dahil kitang kita ito sa kanyang mukha.
“It’s June already but turns out my birthday celebration isn’t over yet! Thank you so much mama and to everyone who took part in this sweet surprise. “I can’t believe I finally have my very own studio!!! See what happened during the reveal on the latest episode of #EverydayKath,” caption ni Kath sa kanyang IG post.