Kung sa ganda at kaseksihan ang pag-uusapan, hinding-hindi mahuhuli si Katya Santos. Ngunit iyon ay matagal na panahon na rin. Marahil ang ilan ay hindi na kilala kung sino si Katya.
Si Katya Santos ay isang aktres at modelo na nagsimula ang karera sa showbiz noong 13 taong gulang pa lamang ito. Una syang lumabas sa “Ang TV” at “Oki Doc”. Noong kalaunan, naging isa syang sikat na sexy star dahil sa ganda ng hubog ng kanyang katawan at magandang mukha.

Isa sya sa mga miyembro ng “Viva Hot Babes” kasama sina Maui Taylor, Gwen Garci at Andrea del Rosario. Nagkaroon din sya ng mga teleserye kagaya ng Anna Karenina noong 1996-2002 kung saan ginampanan nya ang karakter ni Carla.

Sa paglipas ng ilang taon ay nawalan na din ng mga proyekto si Katya Santos hanggang sa nagdesisyon na lamang na lisanin ang mundo ng showbiz. Sa kabila ng pagkawala ng karera ay naging daan naman ito para sa kanyang bagong buhay.

credit to simplykatya | ig
Nakilala ni Katya si Anton Delos Reyes na isang coaching staff sa Mapua collegiate basketball team. Naging komportable sila sa isa’t-isa hanggang sa nagkaroon sila ng relasyon at naging mag-asawa. Ikinasal si Katya kay Anton noong 2013 at nabiyayaan naman sila ng isang anak na si Tala.

credit to simplykatya | ig
Malayo sa kanyang buhay bilang sexy star noon, namumuhay naman ng mapayapa at masaya si Katya sa piling ng kanyang pamilya. Makikita sa kanyang mga Instagram posts na hands-on mommy talaga ito sa nag-iisang anak. Marahil ito na ang kanyang tunay na kaligayahan na hindi nya noon nahanap sa kanyang buhay sa showbiz.

credit to simplykatya | ig
Sa kabila naman ng pagiging buhay misis at mommy, hindi pa rin nawawala ang ganda ng hubog ng katawan ng aktres dahil aktibo ito sap ag-eehersisyo at pagiging fit sa pamamagitan ng healthy lifestyle.
Noong nakaraan, nagbahagi naman si Katya ng kanilang larawan kasama ang kanyang mga kapwa sexy star noon sa showbiz.