Si Marianne dela Riva ang isa sa mga pinaka-paboritong leading lady sa mga sikat na action star noong dekada 70’s at 80’s at isa na dito si Fernando Poe Jr.
Kasama na dito ang mga pelikula ni FPJ na si Marianne ang lead actress ay ang “Ang Leon at ang Daga” (1976), “Alakdang Gubat” (1976), “Tutubing Kalabaw, Tutubing Karayom” (1997), “Ang Lalaki, Ang Alamat, Ang Baril” (1980), “Bandido sa Sapang Bato” (1982), “Pepeng Kaliwete” (1982), “Daniel Bartolo ng Sapang Bato” (1982) at marami pang iba.

Ayon sa isang report na aming natuklasan sa isang kulomnistang si Aster Amoyo na isang Philippine Journal community, ang fashion model-turned actress ay umamin na siya ngayon ay nakabase na pala sa New Jersey, USA kasama ang physician husband na si Dr. Oscar Ortiz.

“I’m happy with my present life. I’ve been residing in New Jersey for almost 8 years now with my husband Oscar Ortiz, a physician. My 2 daughters (by ex-husband Ronald Corveau) Louie and Fenella are both married now with Louie residing in Orlando, Florida and Fenella with us here in New Jersey.” Sabi niya sa isang interview.

“For my first 5 years here, I was just a plain housewife but since my husband together with his 2 siblings put-up an ambulance company, I’ve found a new career. I’m presently working at our office where I’m involved in external affairs, public relations and I also help with scheduling. I’m quite content with what I’m doing here.” Dagdag pa ni Marianne.

Ang unang pelikula ni Marianne ay “Love Song” noong 1973 kasama si Victor Laurel. Ang huling mga pelikula niya ay “We We Open Again” (2001), “Jesus Revolutionary” (2002) at pelikulang award-winning ni Gov. Vilma Santos ng Star Cinema, “Mga dekada ’70.”

Si Marianne din ang naging leading lady noon ng dating namayapang si Ruby Fernandez, Ramon Revilla, Sr., Lito Lapid, Eddie Garcia, Rey Malonzo, Vic Vargas, Dante Varona, Jun Aristorenas, Eddie Fernandez, Anthony Alonzo at Sonny Parsons.

Siya rin ang leading lady ni Christopher de Leon, Bembol Rocco at Philip Salvador. Sa katunayan, si Marianne ay natuklasan ng fashion icon na si Pitoy Moreno noong siya ay 16-years-old pa lamang.