Magkaiba man ng estasyon na pinanggalingan at pinagtatrabahuan, hindi ito naging hadlang sa pag-iibigan nila Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Binansagang “Young Superstar”si Judy Ann dahil sa kanyang galing sa pag-arte maari nang ihanay sa mga batikan at sikat na mga aktres kagaya nila Nora Aunor, Vilma Santos, Marivel Soriano, Sharon Cuneta, at iba pa.

photo credit to officialjuday | ig
Isa sa mga tumatak na palabas kung saan bumida ang aktres ay ang Mara Clara at Esperanza. Naging katambal din nito sina Wowie de Guzman, Rico Yan, at Piolo Pascual, and ang kanyang asawang si ryan. Hindi na rin mabilang ang mga awards ang natanggap ng aktres.

photo credit to officialjuday | ig
Unang nagkakilala sina Ryan at Judy Ann taping ng aktres sa teleseryeng Krystala noong 2004. Naging magkasintahan sila ng ilang taon hanggang ikinasal noong April 28, 2009 at nagkaroon ng anak na lalaki na naging kapatid ng kanilang adopted na anak na si Yohan. Isang hands-on mommy si Judy Ann sa kanyang mga anak.

photo credit to officialjuday | ig
Usap-usapan naman ngayon sa social media ang anak na si Juan Luis Santos Agoncillo o sumikat sa pangalang Lucho dahil sa taglay na kagwapuhan at charm nito.
Maraming nagsasabing male version umano ni Judy Ann si Lucho kahit na may mga ilang pisikal na pagkakahawig ito sa ama. Matangos ang ilong nito, manipis at maliit na bibig, bilog na mga mata, at magandang buhok.

photo credit to officialjuday | ig
Marami ang nagsasabi na may pagkakahawig din umano ang bata sa artistang si Daniel Padilla at may malaking posibilidad na maging heartthrob kung ito ay magiging artista din sa kanyang paglaki.

photo credit to officialjuday | ig
Sa kabilang dako, makikita sa mga vlogs ni Judy Ann na masaya ang kanilang pamilya at madalas rin sumasali ang mga bata sa kanyang mga cooking vlogs.

photo credit to officialjuday | ig
Wika naman ng isang netizen, “hala sha super gwapo ng anak nila si Lucho heart throb at si Luna kaganda g bata din eh pinagpala ng mga looks….ikaw na juday nsayo na ang lahat…loving papa husband pa si kuya Ryan ano beyen beke nemen pwede mamigay ng blessings.”