Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang anak ni Action Star Jeric Raval na si Vanessa, Agaw pansin ngayon sa social media dahil sa angking ganda at kakaibang hilig

Maaring hindi mo na naabutan ang mga pelikula ng actor na si Jeric Raval, subalit isa sya sa mga maituturing na pinakamagaling sa larangan ng action films noong dekada nubenta.

Si Ricardo Buensuceso o mas kilala sa kanyang screen name na Jeric Raval ay ipinanganak noong September 1975 at bumida sa mga pelikulang Beloy Montemayor Jr. Tirador ng Cebu, Bunso Isinilang kang Palaban, Pistorlero, at marami pang iba.

Matagal na rin na hindi nagging aktibo sa mundo ng showbiz ang actor subalit sa paglipas ng maraming taon ay hindi pa rin nawawala ang kanyang pisikal na kakisigan at ang kanyang kagwapuhan.

Samantala, isa sa kanyang mga anak ay napapansin ngayon sa social media dahil sa angkin nitong kagandahan at kakaibang hilig.

Si Vanessa Raval ay isa sa walong mga anak ng aktor sa kanyang mga nagging karelasyon. Taliwas sa mga nakahihiligan ng ibang mga babae, si Vanessa ay hindi mahilig magsuot ng mga seksing damit at mga dresses ngunit kitang-kita ang kagandahan ng hubog ng kanyang katawan.

Mapapansin din ang napakaraming tattoo sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan at mahilig din daw ito mag motor.

Marami naman ang natutuwa at bumibilib sa aktor dahil may maayos umano itong relasyon sa kanyang mga anak.

Samantala, nagkaroon na ng TV apperances ang ilan pa nyang mga anak, kagaya sa show ng Minute to Win It at sa Magandang Buhay.

Paglalahad pa ng isa nitong anak, napakabuting ama daw ni Jeric at strikto din daw ito lalo na sa kanyang mga anak na babae na dapat daw ay naaalagaan ng maayos.

“Wala kayo sa daddy ko dahil grabe yung sense of responsibility nya… wala kayo sa daddy ko dahil, despite na busy sya nagagampanan pa rin nya ‘yung responsibilidad niya bilang isang ama ng buong-buo at saka walang aberya,” banggit pa ng isang anak nito.

Matatndaan naman na nagkaroon ito ng relasyon sa aktres na si Monica Herrera at nagkaroon sila ng tatlong anak.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending