Ang sanggol ay isang malaking biyaya sa mga magulang. May mga pagkakataon na hindi man ito inaasahang dumating sa buhay, ngunit ito ay dapat taos pusong tanggapin at mahalin. Maraming mga mag-asawa ang hindi nabibiyayaan na magkaroon ng anak, kaya naman isa kang pinagpala kapag magkaroon ka ng sarili mong anak.

credit to iamsofiaandres | ig
Samantala, marami naman ang nagulat sa rebelasyon ng aktres na si Sofia Andres noong ipinaalam nito ang kanyang pagbubuntis. Sa murang edad nito at sa nasa tagumpay na ng kanyang karera, bigla na lamang itong nagsabi na ito ay nagdadalang tao sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.

credit to iamsofiaandres | ig
Si Daniel ay galing sa pamilya Lhuilier na taga Cebu. Napakagandang lalaki nito at bagay bagay naman sa napakagandang mukhang nitong si Sofia. Kaya naman, namana ito ng kanilang napaka cute na baby na si Baby Zoe.

credit to iamsofiaandres | ig
Sa murang edad nito ay nakikitaan na ito ng potensyal na maging isang celebrity baby. Sa katunayan ay marami na rin itong followers sa kangyang IG account na ginawa ni mommy Sofia nito.
Bukod sa mga cute na cute na mga litrato ni baby Zoe sa IG ay tampok din ang ilang videos nilang magpamilya at ang mga kwelang eksena kasama si baby Zoe.

credit to iamsofiaandres | ig
Isa na rito ang usong-uso na “It really hurts challenge” kung saan makikita sila sa loob ng kanilang sasakyan at biglang sumayaw sina Daniel at Sofia sa tugtog na ito.
Tila naman natulala si baby Zoe sa kanyang mommy at daddy. “Si classmate na walang practice for the group presentation”, caption ni Sofia sa post nito.
Umabot na ng mahigit 1 million views ang naturang nakakatuwang video ng magpamilya. Tunay ngang source ng kasiyahan ang napaka cute na baby na ito hindi lamang sa magkasintahan kundi pati na rin sa ibang tao.

credit to iamsofiaandres | ig
Samantala, sa isang video naman ay tila minamasahe ni baby Zoe si Sofia, habang ang mommy nito ay nakahiga. “My little bestie is massaging me”, wika ni Sofia.
Umani naman ng mga komento mula sa mga followers ang mga videos nina Sofia at ng kanyang anak.