Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Kapatid Ni Coco Martin Na Pinasok Na Din Ang Mundo Ng Showbiz At Agaw Atensyon Ngayon Sa Social Media

Isa si Rodel Pacheco Nacianceno o mas kilala natin bilang si Coco Martin sa mga hinahangaang aktor sa panahong ito. Dahil sa taglay na karisma at galing sa pag-arte, tumatak agad siya sa puso ng mga manunuod dahilan upang magkaroon ito ng maraming tagahanga at tagasubaybay.

Nagsimula si Coco Martin sa Star Magic, isa sa talent agency ng ABS CBN at kabilang siya sa Star Circle Batch 9.

Si Coco Martin rin ang bida sa long-running teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano. Nakasama niya rito ang ilan sa mga magagaling na artista sa industriya ng showbiz at naging leading ladies niya rin sa teleseryeng ito ang ilan sa mga magagaling ng aktres gaya nina Maja Salvador, Bela Padilla, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Yam Concepcion, Jessy Mendiola, Sam Pinto, Yassi Pressman, Denise Laurel at iba pa.

Isa rin si Julia Montes sa mga naging ka-love team ni Coco na talaga namang tumatak at nagustuhan ng mga manunuod. Isa sa mga series na tumatak sila bilang love team ay sa ‘Walang Hanggan’ noong 2012. Binansagan siyang Prince of Philippine TV Series dahil sa galing nito sa nasabing teleserye. Nagkaroon rin siya ng sunod-sunod na mga proyekto pagkatapos makasama sa series na ito.

Ngunit alam niyo bang mayroong nakababatang kapatid si Coco? Kagaya niya ay nagtataglay rin umano ang kapatid nito ng magandang mukha. Kilalanin natin ang half-brother ni Coco na si Ronwaldo “Ron” Martin.

Si Ron Martin ay tinagurian ring The New Indie Prince. Kagaya ni Coco, nagsimula rin umano si Ron sa paggawa ng indie films. Nakasama rin siya sa hit teleserye ng kapatid na Ang Probinsyano. Dahil sa angking appeal nito, hindi malayong mangyari na maging near-action star rin ang kapatid!

Marahil ay napansin ninyo siya at napanuod sa FPJ’s Ang Probinsyano. Gumanap siya rito bilang isa sa mga miyembro ng grupong ‘Pulang Araw’ na pinangunahan ng karakter ni Lito Lapid.

Naging nominado si Ron Martin sa 2016 Gawad Urian, 1st Eddy Awards, at Hanoi International Film Festival. Wagi naman siya bilang Best Actor noong 2017 sa Harlem International Film Festival sa New York City para sa pelikulang ‘Pamilyang Ordinaryo’.

Gusto umano niyang magkaroon ng sariling pangalan at hindi makilala lamang bilang kapatid ng sikat na aktor na si Coco Martin. Hindi naman ito malayong mangyari dahil sa angking galing nito.

Source: Google/ Ronwaldo Instagram

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending