Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Magandang Anak ni Aiko Melendez na si Marthena Jickain

Naaalala nyo pa ba si Aiko Melendez? Isa sa mga sikat sa industriya ng showbiz noong 80s at 90 katambal ang mga aktor na sina Richard Gomez, Jomari Yllana, at Aga Muhlach.

Marami din ang mga parangal na natanggap ng aktres dahil sa kanyang angking galing sa pag aartista. Ilan sa mga ito ay ang maraming awards sa pelikulang “May Minamahal”noong 1993, “Sa’yo lamang”noong 1995, at sa Metro Manila Film Festival noong 1997 sa kanyang pelikulang “Kahit Kailan”. Noong taong 2000 ay marami din syang binidahang programa sa telebisyon. Hinangaan naman sya sa kanyang pag ganap sa teleseryeng “Wildflower”.

photo credit to martina | ig

Pumasok din ang aktres sa mundo ng politika at naging councilor ng Quezon City noong 2001, at nanungkulang ng siyam na taon hanggang 2010.

photo credit to martina | ig

Ikinasal ang aktres kay Jomarie Yllana ang kanyang showbiz partner at naging asawa noong taong 2000, subalit pagkalipas ng tatlong taon ay naghiwalay din ito. Nagkaroon si Aiko ng anak kay Jomarie na si Andrei na ngayon ay 20 taong gulang na.

photo credit to martina | ig

Pagkalipas ng ilang taon ay muling umibig si Aiko na nauwi sa kasalan ang kanyang relasyon sa isang dating model at aktor na si Martin Jickain. Ikinasal sila noong 2006 subalit nagpa annul din noong 2010. Nagkaroon sila ng anak na si Marthena, 12 taong na ngayon.

photo credit to martina | ig

Si Marthena Jickain ay napakaganda dahil sa kanyang mestisang mukha at balat kagaya ng kanyang ina at ama. Maraming nagsasabi na carbon-copy daw nito ang ina na nagpalaki sa kanya. Wika umano ni Marthena ay best friend nya ang kanyang ina na todo suporta sa kanyang mga pangarap sa buhay kahit na hiwalay na sila ng ama nito.

“I never badmouth their fathers, even though I’ve gone through a lot of awful situations as a result of being with them,” wika ni Aiko sa isang pahayag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

Magaling naman si Marthena sa paglalaro ng volleyball at siya ay manlalaro ng Saint Pedro Poveda College.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending