Alam nyo ba na bukod kay baby Lilo, ay may anak na panganay si Philmar Alipayo?

photo credit philmar alipayo | facebook
Si Philmar ay isang kilalang professional surfer sa bansa lalong lalo na sa kanilang probinsya sa Siargao.
Siya ay naging Champion – PSCT 2017, Rank # 2 sa Asia noong 2016, at Champion ng West Sumbawa Pro noong 2016. Hindi nga maikakaila na angat ang kanyang galing sa larangan ng sports na surfing.
Ang panganay na anak ni Philmar ay si Toro Alipayo na madalas din makita sa ilang mga vlogs ni Andi at Philmar. Si Toro ay mahilig ding mag surfing at marahil namana niya sa kanyang ama.

photo credit philmar alipayo | facebook
Mas lalong nakilala ng marami si Philmar simula ng ito ay nagkaroon ng relasyon sa aktres na si Andi Eigenmann. Sila ay nagkaroon ng anak na si baby Lilo na naging isang taong gulang kamakailan lang.

photo credit philmar alipayo | facebook
Subalit ang lingid sa kaalaman ng nakararami ay mayroong unang anak si Philmar sa dating kasintahan na taga France na si Ananda Bagalciage. Ang panganay na anak ni Philmar ay si Kanoa.
Tinatawag nila ito sa palayaw na Kanono na ipinanganak noong March 2, 2015, kaya’t ngayon ay limang taong gulang na ito. Subalit, matagal na umanong hindi nakakasama ni Philmar ang panganay na anak dahil isinama ito ng kanyang ina sa France at doon na sila nanirahan. Nakasama din daw noon si Philmar na nanirahan sa Frace ngunit ito ay bumalik din sa Pilipinas.

photo credit philmar alipayo | facebook
Napaka cute at gwapo na bata si Kanono, at malaki ang pagkakahawig nito sa kanyang ina. Maputi ito at maganda ang kanyang buhok, matangos na ilong at bilog na mga mata. Ayon kay Philmar ay labis na nyang namimiss ang anak.

photo credit philmar alipayo | facebook
Madalas nya itong bangitin sa kanyang Instagram at social media posts. Kahit na hindi may bago na siyang pamilya kasama si Andi, patuloy nya parin ipinapadama ang pagmamahal kay Kanoa.
Ayon nga sa kanyang mensahe, “Lagyu man ang ato distansya, pero ini duot ka sa akong kasing-kasing. Magkita naman ta dapat. Nakay unhon taman anhin panahon na mga nanhitabo kuman, pero maluoy ang Ginuo matapos rani puhon. Nan magkita na ta pag amping kamo mintin ni mama mo.”