Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Mga ‘Pinay Celebrities’ Na Kayang Gumastos Ng Lagpas 10-Million Para Lang Sa Bag

Ang Hermes Birkin at Hermes Kelly ay ang mga “Bag” na ginagamit ng mga bibigating celebrities sa mundo. Pinangalan ito sa dalawa sa pinaka-kilala na kababaihan ng siglo, sina Jane Birkin at Grace Kelly.

ang mga klasikong bag na ito ay mayroong isang hukbo ng mga tagahanga ng tanyag na si Jennifer Lopez, Kim Kardashian, Beyonce, at marami pang iba pang Hollywood A-listers.

Samantala, narito ang ilan sa mga Local Celebrities sa Pilipinas na nagmamay-ari ng luxury brand na hermes.

Heart Evangelista

Ang Kapuso actress na si Hearth Evangelista ay 35-years-old na ngayon, at may networth na mahigit kumulang $4 Million.  Ang Kapuso actress ay spotted na bitbit iba’t ibang hermes bags sa mga okasyon. Sabi pa ni Heart na siya ‘di umano ay tapat sa presyo ng brand.

Ang isa sa kanyang pinakamahal na bag ng Hermes ay ang Birkin Matte White Himalayan Crocodile Palladium. Ang isa na may 245 na diamonds at 18-karat white gold hardware ay naibenta sa kanya ng $300,168, na katumbas ng mahigit kumulang 15,038,566 million pesos.

Ang Sans the bling naman, ay ibinebenta ito online sa halagang $100,000 o humigit-kumulang na 5-million.

Ang Kapuso actress naman na si Heart ay nagmamay-ari din ng Ostrich leather Birkins, na nagkakahalagang ng halos $30,000 o 1.5-million sa pamamagitan ng mga online store.

Marian Rivera

Kitang kita sa kanyang Instagram account na marami siyang mga hermes bag. Maituturing na isa sa siya sa mga pinaka-maswerte na magkaroon ng pambihirang Hermes Kelly White Himalayan Crocodile with Palladium Harware.

Ang “rare item” na ito at may 28-cm na Hermes Kelly bag ay nabili ng $160,000 o 7.5-million pesos.

Samantala, spotted din si Marian na may bitbit na Hermes Graphite Porosus Croc Birkin, na nagkakahalaga ng $98,500 o mahigit kumulang 490,000 pesos sa Portero.com.

Jinkee Pacquiao

Si Jinkee ay asawa ni Senator Manny Pacquiao, at sinasabing si Jinkee ‘di umano ay may mataas na bilang ng Hermes Bags sa lahat ng mga local celebrities sa bansa.

Isang bagay na magkapareho sa kanya at kay Heart Evangelista ay ang kinikilalang White Himalayan Crocodile Birkin.

Makikita din sa mga Instagram account ni Jinkee ang samutsaring uri ng mga hermes bags na kanyang pinopost at pati na rin sa mga meeting na pinupuntahan nito.

Source: Kabanata

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending