Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Mga ‘Pinay Celebrities’ Na May Iba’t-Ibang Anak Sa Mga Nakarelasyon Nila Noon

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na ilan sa ating mga paboritong personalidad at artista ay mayroong iba-ibang mga anak sa mga nakarelasyon nila dati. Siguro, malaking hamon ito para sa iba sa atin, ngunit hindi din naman natin maitatanggi ang saya na dala ng pagkakaroon ng pamilya sa isang tahanan.

Samantala, ating kilalanin ang nasa listahan ng mga female celebrities na may mga anak sa iba’t-ibang lalake noon. Alamin natin kung ano ang naging dahilan patungkol dito.

Sharon Cuneta

Si ‘Mega Star’ Sharoon Cuneta ay unang nalink sa ka-loveteam niya noong 80’s na si Gabi Concepcion at mula sa pagiging loveteam nilang dalawa sila ay nagkatuluyan, nagpakasal, at higit sa lahat nagkaroon ng anak si KC Conception. Ngunit, hindi nagtagal naghiwalay din sila ng aktor na si Gabi.

Taong 1996 naman nang siya ay magpakasal sa ikalawang pagkakataon kay Francis Kiko Pangilinan nagkaroon sila ng anak na babae sina Frankie at Miel at ang adopted son nila na si Miguel.

Vilma Santos

Taong 1979 nang gawin nina Vilma at Edu Manzano ang pelikulang “Romansa” kung saan nila naramdaman ang pag-ibig sa isa’t isa. Sumunod na taon nang sila ay nagpakasal at nagkaroon sila ng isang anak na lalake ito ay walang iba kundi si Luis Lucky Manzano.

Nang makilala naman ng star for all season na si Vilma Santos si Senador Ralph Recto ito ay kakatapos palang niya sa college student. Nagsama ng pitong taon at nagpakasal sila ay nagkaroon ng isang anak na lalake si Ryan Christian.

Zsa Zsa Padilla

Hindi lingid sa karamihan si Zsa Zsa ay unang ikinasal noong 70’s kay Dr. Modesto Tatlonghari at nagkaroon sila ng isang anak na babae si Karylle Padilla. Ngunit, hindi nagtagal ang kanilang pagsasama ay sila ay nagkahiwalay din kalaunan. Noong 2011 lamang na annul ang kanilang kasal.

Samantala, hindi na nakuhang magpakasal sa king of comedy na si Dolphy na nakasama niya sa loob ng mahigit 20-years dahil pumanaw ito noong 2012. At bago yan nagkaroon din sila ng anak na dalawang babae ang adopted nilang si Nicole at ang bunsong si Zia.

At dahil pinasok nga ni Zsa Zsa ang pag-arte nakasama niya sa mga pelikulang kanyang nagawa sina Christopher de Leon, Gabi Concepcion, Joey de Leon, at king of comedy na si Dolphy. Dalawang taon matapos gawin ng pelikula na kasama si Dolphy sila ni Zsa Zsa ay nahulog sa isa’t isa. Ang tambalan nila sa pelikula ay nauwi sa totoong buhay.

Ang iba pa ay sina Karla Estrada, Lj Reyes at Kris Aquino, Ilan lamang sila sa mga paborito nating artista na may anak sa dating nakarelasyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending