Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na halos lahat ng mga artista, personalidad ay puro mayayaman, bukod sa iba’t-ibang guesting at endorsement na meron sila ay malaki din ang kanilang kinikita sa bawat proyekto na kanilang ginagawa.
Madalas nga ay libre ang kanilang mga produkto na ginagamit dahil nga ito ay kasama sa kanilang mga ini-indorso. Ngunit alam niyo ba na hindi lahat ng artista ay hindi gumagastos ng malaking pera para mabili ang kanilang gusto.
May pagkakataon na ilan sa mga sikat na artista na ito ay tinatawag na “kuripot” dahil din sa higpit nila pagdating sa paglalabas ng pera.
Samantala, narito ang ilang mga sikat na artista na may pagka kuripot o hindi gaanong magpalabas ng pera.
Pops Fernandez

Pops Fernandez ay kilala dahil sa angkin galing nito sa pag-awit sa kanyang panayam noon ay inamin ng concert queen na maingat at matipid siya pagdating sa pera, hanggat maari iniiwasan kung mag waldas at kung iniisip ng ilan na pagiging kuripot yun ay hindi kuripot nga ako pag amin ng singer.
Ogie Alcasid

Si Ogie Alcasid ay isa sa mga kilalang mang-aawit sa bansa, imanin niya din mismo na siya ay matipid sa pera, at kuripot pagdating sa kaniyang sarili.
Aniya kuripot ako sa sarili ko pero pagdating sa mga mahal ko sa buhay ay ibinibigay ko lahat ang kanilang kailangan at gusto nila.
Richard Gomez

Tinagurian ni Amy Perez si Richard Gomez bilang isang kuripot aniya ni Richard ay hindi pa niya alam kung paano mamahagi sa kanyang mga ka-trabaho noon na yun.
Dahil ka uumpisa pa lamang niya sa showbiz industry at nangangapalam na siya.
Anne Curtis

Inamin din ni Anne Curtis na hindi din siya gaano nakapag waldas ng pera. Saad niya nasa tulong ng kanyang Ilocanang ina ay natutunan niya kung paano mag-ipon sa katunayan nga niyan halos lahat ng kanyang sweldo ay kaagad niyang dinadala sa kanyang savings account.
Sarah Geronimo

Si Sarah Geronimo ay isa din napakatipid na tao sa kabila ng kanyang mga kinikita dahil sa mga projects, shows at concert na meron siya sa bansa.
Aniya ni Sarah hindi siya bumubili dahil para sa kanya ay aksaya lamang sa pera ang mga ganitong bagay. Nalalabas lang din daw siya ng pera kapag kailangan bumili ng mga kagamitan na kinakailangan .