Connect with us

Celebrity

Kilalanin ang mga Sikat na Artista na may Like Father, Like Son na Kagwapuhan

Sadyang kahanga-hanga ang mga artistang may angking kagwapuhan at may anak din silang kahalintulad ng kanilang pagiging magandang lalaki. Ilan sa mga ito ating mga iniidolo noon o magpahanggang ngayon. Kilalanin natin sila, tiyak na masasabi mo na susunod ang mga ito sa yapak ng kanilang ama.

Dingdong Dantes and Baby Ziggy


Hindi maikakaila sa murang edad ang batang Dingdong na si Ziggy ay lutang na agad ang kagwapuhang lalaki.

Cesar Montano and Diego Loyzaga


Si Diego Loyzaga ay anak ni Cesar Montano kay Teresa Loyzaga, sa ngayon medyo hindi na aktibo ang anak ni Cesar dahil na rin sa mga problemang kinakaharap nito.

Vic and Oyo Sotto


Hindi lamang si Vico Sotto ang anak ni Vic mayroon din itong gwapong anak sa katauhan ni Oyo Sotto, anak ni Vic kay Dina Bonivie.

Aga and Andres Muhlach


Lutang naman talaga ang kagwapuhan ng anak ni Aga na si Andres. Si Andres ay isa sa kambal na anak ni Aga at Charlene Gonzales.

Zoren and Mavy Legaspi


Gwapo itong si Mavy na anak ni Zoren at kambal din ito, ngunit ayon sa karamihan mas kahawig ni Mavy ang kanyang ina na si Carmina Villaroel.

Rommel and Daniel Padilla


Matipunong matipuno ang mag-ama at hindi kaila namay lahing Padilla ang sikat na matinee idol na si Daniel Padilla.

Piolo and Inigo Pascual


Walang duda na mag-ama nga ang dalawang ito talent wise at pati na rin sa kagwapuhan.

Jomari Yllana and Andre Yllana


Sobrang gwapo ang panganay na anak ni Jomari kay Aiko Melendez at sumusunod na ito sa yapak ng kanyang magulang.

Drew Arellano and Primo


Mukhang bata pa lamang mahilig na sa adventure ang batang si Primo tulad ng kanyang ama.

Benjie and Kobe Paras


Si Kobe Paras na anak ni Benjie kay Jackie Poster ay isa ring rising star ng Philippine basketball tulad ng kanyang ama. Si Kobe ay isa ring modelo.

Boom and Tony Labrusca


Ngayon ay talaga namang hindi na mapigil ang kasikatan ni Tony na anak ni Boom na isa ring sikat noong 90’s.

Ilan lamang sila sa mga mag-ama sa showbiz na hindi mo maitatanggi ang pag-kakahalintulad nila.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending