Mahalaga pa rin ang edukasyon para sa ilan nating paboritong artista kung noong nag-uumpisa pa lamang sila ay hindi nila masyadong napagtuunan ang pag-aaral dahil na rin siguro sa pagiging abala sa kanilang napiling propesyon at ilan naman dahil sa nanggaling din sa wala kaya pinagbuti muna ang trabaho bilang artista bago bumalik sa pag-aaral.
Kaya ating kilalanin ang ilan sa ating mga sikat na artistang nag-aral sa ibang bansa o kumuha ng kurso sa abroad.
Agot Isidro

Kilala na isa sa matalinong artista sa ating bansa, siya ay nag-aral sa New York sa kursong Fashion Institute of Technology.
Jericho Rosales

Pagdating sa aktingan wala ka nang hahanapin sa aktor na ito, bukod pa dyan nanggaling din ito sa wala bago sumikat ng husto sa showbiz. Si Echo ay nag-aral sa New York Film Academy at kumuha ng mga kursong may kinalaman sa acting, directing and production.
Angel Locsin

Ang isa sa pinakasikat na mahal ng masa na si Angel Locsin ay nag-aral sa London sa kursong Fashion Design at Central Saint Martins College of Art and Design.
Glaiza De Castro

Kilala ang aktres na ito hilig niya sa Musika kaya naman nag-aral din ito sa London at kumuha ng kursong may kinalaman sa musika sa Point Blank Music School.
Gab Valenciano

Anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Gab Valenciano ay may degree bilang Recording Arts sa Full Sail University na matatagpuan sa Orlando, Florida.
Solenn Heussaff

Nag-aral ang seksing aktres na si Solenn ng fashion design sa Studio Berçot, Paris sa loob ng tatlong taon at kumuha din ng anim na buwan na kursong basic beauty/fashion make-up, body painting at prosthetics sa L’école Fleurimont, Paris.
KC Concepcion

Kursong International Corporate Communications, minor in Theater Arts ang tinapos ni KC sa American University of Paris.
Charlene Gonzales

Ang dating beauty queen turned actress na si Charlene ay kumuha ng short business course sa Harvard University
Rhian Ramos

Kumuha ng short acting courses in UCB Theatre sa New York
Benjamin Alves

Nagtapos ng may karangalan bilang summa cum laude sa University of Guam na may degree na English Literature.