Isang napakalaking biyaya na maituturing ang magkaroon ng sariling anak. Ang saya at tuwa ay hindi natutumbasan ng anumang material na bagay. Kaya naman kahit anong hirap ng buhay, hindi ito alintana ng iba dahil na rin sa tuwa na naibibigay ng batang paslit at walang kamuwang-muwang sa mundo.

photo cresit to enolamithi | ig
Samantala, aliw na aliw naman ang magkasintahang si Carlos Aquino at kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza dahil sa napaka-cute nilang first baby. Maalalang ngayong taon lamang ito ipinanganak ng kasintahan ng aktor. Pinangalanan nilang Enola Mithi ang kanilang baby.

photo cresit to enolamithi | ig
Kamakailan lamang ay giliw na giliw ang mga netizens sa mga larawan ni ibinahagi sa IG ni Trina Candaza. Ang isa sa mga latest post nito na solo picture ni baby Enola ay may caption na “And in this world, she is my world.” Mapapansin ang malaking pagkakahawig umano ng baby sa kanyang ama. Dahil sa napaka-charming nito, hindi rin napigilan na magkomento ng ilang mga followers.

“She a good mixture of a beautiful genes”, wika ni @eleanormarcalas. “Napaka-ganda ng baby mo”, banggit naman ng isa pang fan.

photo cresit to enolamithi | ig
Wala naming masyadong nagbabanggit kung sino ba talaga ang kamukha ni baby Enola dahil may malaking pagkakahawig sina Carlo at Trina. Saad pa ng isang netizen, “Sabi daw ng mga matatanda kapag magkamukha daw kayo ay meant to be daw talaga kayo, at totoo nga, idol Carlo!”

photo cresit to enolamithi | ig
Samantala sa isang pahayag naman ng aktor, ibinahagi nito kung saan nagmula ang pangalan ni baby Enola. Ang Enola ay pinag-isipan umano ni Trina. Ang Enola ay binaliktad na “Alone” dahil nais nilang lumaking independent ang kanilang anak. At ang Mithi naman ay ipinangalan ni Carlo dahil yun ang pangalan ng kanyang minamahal sa palabas na kanyang ginampanan na may pamagat na “Pahina”.

photo cresit to enolamithi | ig
“Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi na ‘yung sarili mo ‘yung priority kung ‘di ‘yung mag-ina mo na, ‘yung family mo. Ang sarap na nagtatrabaho ka para sa kanila”, pahayag naman ng actor sa isang panayam.